Characters
of El Filibusterismo
Agolito, Carlo -Simoun
Aguliar, Krisha Cheenee -Padre Irene
Almaden Gineva -Padre
Sibyla
Almaden, Michelle -Padre
Florentino
Angga-on, Madeth -Sinang
Aparicio, Honey -Kapitan
Bebillio, Kingbert -Basilio
Bersabal, Aide -Hermana Penchang
Bersabal, Naidy Rose -Narrator
Bud-ay, Lovelyn -Quiroga
Bunag, Josephine -Huli
Caham, Bergylynn -Guardia
Civil
Cedeno, Ninos Vince -Tata Selo
Cepeda, Edrick -Don Custodio
Clapano, Elled -Kapitan Heneral
Dawogan, Jorlan -Kabesang
Tales
Dimdim, Jinena Macaraig
Ehigon,
Ravin -Juanito Pelaez
Gawahan, Blesstel Clare -Sandoval
Gawahan, Hendrix -Isagani
Lacida, Patrick -Tanod
Libot-Libot, Jessa -Tano
Mapano, Celeste -Tadeo
Mapano, Jason -Ben Zayb
Millanes, Inah -Guradia Civil
Ocum, Christine -Pepay
Onda, Princess -Padre Salvi
Origenes, Juliet -Donya Victorina
Paluhan, Glenda -Guardia
Civil
Sale, Annalyn -Guardia Civil
Sendrijas, Ma. Cheryl -Hermana
Bali
Sindaln, Krisha -Padre Camorra
Vios, Aivy Claire -Paulita
Gomez
E L
F ILIBUSTERISMO
(Group 2)
Narrator: Buwan ng
Disyembre, isang sasakyan na ang tawag ay Bapor Tabo ay kasalukuyang tumatahak
sa paikot – ikot na ilog Pasig papuntang Laguna. Ang itsura ng bapor
ay tulad na tulad ng korte ng isang tabo. Ang bapor na ito ay di katulad ng
ibang bapor at naiiba dahilan sa angkin na kakaibang kulay na dito’y ipininta. Di lamang mapapansin ang bapor kundi ang mga
tao ring nakasakay dito, mga taong itim, mga Indiyo, mga Intsik at mga mestizo
at Europeo. Ang namumukod na ginang na kasama ng mga Europeo ay walang iba
kundi si Donya Victorina na siyang nagsasabing ang Bapor Tabo ay walang kwenta.
SCENE 1: SA KUBYERTA
Donya Victorina:
(mataray at naiinis ang tinig) Ang bagal – bagal
naman ng takbo nitong bapor! Hay naku! At iyang nagdaraanang kasko, Bangka,
balsa at mga indiong nagsisiligo at nagsisilaba, nakakasira ng ganda ng
kalikasan! Bibilis sana ang takbo ng baor kung walang mga Indio sa ilog, sa
pampang! Sa alinmang lipunan o sa alinmang bahagi ng daigdig!
(walang nakarinig)
Donya Victorina:
Ano?! Magsalita kayo! Kapitan! Bakit hindi mo tulinan ang takbo nito? Marahang
marahang – marahang! (nagpaypay ng mabilis) Ano?! Talaga ngang
tulad kayo ng mga Indio! Mga walang silbi!
(umismid at umalis)
Narrator:
Samantala, sa kabilang bahagi naman ng bapor ay makikita sina Padre Camorra,
Don Custodio, Ben Zayb at Simoun na napag – usapan
ang pagpapailalim sa Ilog Pasig.
SCENE 2: ILALIM NG
KUBYERTA
Ben Zayb: Dapat
bigyang halaga ang katalinuhan ng mga siyentista. Wala tayong pag unlad kung
wala ang pinag – aralan ng mga tao.
Padre Camorra:
Magtigil ka Ben Zayb! Karanasan lamang ang kailangan para mapaganda ang Ilog
Pasig hindi yang puro katalinuhan.
Simoun: Mga
simpleng problema lang iyan na nangangailangan ng simpleng lohika. Gumawa ng
isan kanal sa bunganga ng ilog hanggang sa labasan na maglalagos sa Maynila at
ang lupang mahuhukay ang itatabon sa dating ilog . Kapag nagawa ito tiyak na
iikli ang paglalakbay.
Don Custodio: Yan
ang isang maling paraan! Nakapagbibigay lamang ito ng kaguluhan! At saan tayo
kukuha ng pondo para sa ilog na yan? Mag alaga nalang ng mga itik at ito’y ilagay sa ilog Pasig!
(sumabat sa usapan si Dony
Victorina)
Donya Victorina:
Anong itik? Yan ay nakakadiri! Lalong – lalo na ang balot!
Ben Zayb:
Ipagpaumanhin nyo Donya Victorina ngunit ikaw ay hindi kasali sa usaping ito.
(medyo napahiya ang Donya)
Simoun: Hindi
kailangan ng pondo sapagkat ang kailangan ditto ay ang pagtutulungan ng mag
tao. Maiwan ko muna kayo.
Ben Zayb: Saglit
Ginoong Simoun….
(tuloy – tuloy ang
lakad ni Simoun papunta kina Isagani at Basilio)
Simoun: Magandang
araw sa inyo. Maaari ba akong makisali sa usapan ninyo? Tila kayo’y nagkakatuwaan. Basilio, ikaw ba ay pauwi na at
magbabakasyon?
Basilio: Ganoon na
nga po Ginoong Simoun.
Simoun: At sino
naman ang iyong kasama? Kababayan mo ba siya?
Basilio: Hindi po
Ginoo, ngunit magkalapit lamang ang aming bayan. Bakit Ginoo, hindi pa po ba
kayo nakakarating sa bayan nila?
Simoun: Sadyang
hindi ako nagtutungo sa mga lalawigan dahil ang mga tao doo’y hindi naman bumibili ng mga alahas, sa aking palagay ay
dahil sa mahihirap ang mga tao doon.
Isagani: Sadyang
hindi lamang kami bumibili ng mga gamit na hindi naman namin kailangan.
(ngumiti ng pilit si Simoun
ngunit bakas ang kanyang galit)
Simoun: Bueno heto
saluhan niyo na lamang ako sa pag-inom ng serbesa
Basilio: Salamat
Ginoo, ngunit hindi kami umiinom ng alak
Simoun: Hindi
umiinom? Ika nga ni Padre Camorra masama raw ang puro tubig ang iniinom.
(gumuhit ang inis sa mukha ni
Isagani)
Isagani: Kung
tubig lang ang iniinom ni Padre Camorra ay wala sigurong tsismis silang
maririnig.
(natigilan si Simoun at halatang
namangha)
(tinignan ni Basilio ang dalawa
saka siniko si Isagani)
Basilio:
Ipagpaumanhin ninyo Ginoong Simoun, kami’y mauuna
na sa inyo. Ang tiyo ng aking kasama ay naghihintay na sa amin doon sa may
dakong hulihan.
Simoun: Walang
anuman, Basilio.
(umalis ang dalawa)
Narrator: Sa kabilang
bahagi naman ng kubyerta kung saan naroon ang kapitan ay napag – usapan ang tungkol sa alamat. Nadatnan sila ni Simoun.
SCENE 3: KABILANG BAHAGI
NG KUBYERTA
Kapitan: Kung sa
alamat lang din naman ang pag-uusapan, mayroon din niyan ang ilog Pasig. Nariyan
ang malapad na bato, batumbuhay na sagrado bago pa dumating ang mga kastila at
pinagtitirahan ng mga espiritu. May isang alamat, ang alamat ni Doña Geromina
na... na... (naghahanap at biglang itinuro si Padre Florentino) na alam ni
Padre Florentino.
Padre Sibyla:
(nagmamalaki at nag-halukipkip) Lahat ng tao ay nakakaalam niyan!
Doña Victorina:
Ngunit padre hindi ko pa alam ang alamat na iyon?
Ben Zayb: Siyanga!
Ano ba ang tungkol sa kwentong iyon padre?
Padre Sibyla:
(naglakad ng kaunti at tumanaw sa malayo) (inaakto ang mga pangyayari) Sabi
nila may isang estudyante...
Ben Zayb: Mawalang
galang, ngunit Kapitan, alam ba ninyo kung saang dako ng lawa napatay ang isang
nagngangalang Gueverra, Navarra o Ibarra?
Doña Victorina:
Ibarra, Crisostomo Ibarra iyon ginoong Ben Zayb (pinalo ng pamaypay si Ben
Zayb). Siyanga pala! Saan nga ba, Kapitan? May naiwan kayang bakas sa tubig?
(natahimik ang kapitan at
napukol ang tingin ng lahat sa kanya)
Kapitan: Ayon sa
kabo ng mga kawal na tumugis kay Ibarra, nang malapit na siyang masukol, ay
tumalon at sumisid. Sinasabing may mga dalawang milya ang kanyang nalalangoy at
sa minsang litaw ng ulo niya sa tubig ay inulan siya ng bala. Doon sa malayo ay
nawala na siya sa kanilang paningin, ngunit ang tubig sa mga dakong iyon ay
nagkulay-dugo. Ngayo’y hustong labintatlong taon
na ang nakakalipas simula nang iyan ay mangyari.
Ben Zayb: Kung
gayon, ang kanyang bangkay ay...
Padre Sibyla:
Nakasama sa bangkay ng kanyang ama!
Padre Salvi: Hindi
ba’t isa rin siyang filibustero?
Ben Zayb: Iyan ang
tinatawag na napakamurang paglilibing, hindi ba Padre Camorra?
Padre Camorra:
(patawang sumagot) Lagi ko ngang nasasabi na ang mga filibustero ay hindi
maaasahang magkaroon ng maringal na libing.
Ben Zayb:
(nabaling ang pansin kay Simoun) Ngunit ano ang nangyayari sa inyo, Ginoong
Simoun? Nahihilo ba kayo? Kayo pa naman na datihang manlalakbay! Kayo ba ay
nalulula sa ganitong halos patak lang ng tubig ang laman?
Simoun: Okay lang
ako, Ben Zayb. Salamat sa iyong pag alala.
Narrator: Hindi nagging
maganda ang pakiramdam ni Simoun nang mabanggit ang pangalang Ibarra sapagkat
naalala niya ang malupit na ginawa ng mga prayle sa kanya. Lumipas ang ilang
araw at sa tahanan ni Kabesang Tales ay
makikita ang kalupitan ng mga kastila.
SCENE 4: TAHANAN NI
KABESANG TALES
Tano: Ama, si
Huli? Kailan kaya siya makakapunta nang Maynila upang mag-aral?
Huli: Kuya...
Kabesang Tales: Sa
isang taon. Magsaya ka nang mahaba at mag-aaral ka na sa Maynilakatulad ng mga
dalaga sa bayan.
Huli: Talaga ama?!
(niyakap ang ama)
Tano: Alam mo ama
iniisip na niya si Basilio sa mga oras na ito at ang pangako sa kanya nito na
pakasal sa kanya...
Huli:
(sinisiko-siko si Tano) Kuya naman...
(hinabol si Tano)
Kabesang Tales:
Maganda ang ani natin ama... (bumuntong hininga)
Tata Selo:
Maganda? Ngunit ano ang iyong ipinag-aalala?
Kabesang Tales:
(naglakad upang tanawin ang lupain) Ang mga prayle ama... (bumuntong hininga)
Tata Selo:
Magpaumanhin ka! Ipagpalagay mo na ang iyong salapi ay nahulog sa tubig at
sinakmal ng malaking buwaya at ang kanyang mga kamag-anak ay sumama sa kanya.
Kabesang Tales:
Ngunit ama sila ay umaabuso na!
Tata Selo:
Magpaumanhin ka!
(dumating si Padre Camorra
kasama si Padre Salvi at Guwardiya Civil)
Padre Camorra:
Telesforo! Mabuti at nandito ka!
Kabesang Tales:
Magandang araw, Padre. Bakit po naparito kayo?
Padre Camorra:
Kailangan mo nang magbayad nang buwis! Ang buwis ay dalawandaang piso!
Kabesang Tales:
Dalawandaang piso??!! Ngunit iyon ay napaka laki naman.
Padre Salvi: Kung
hindi magbabayad ibigay sa iba ang tungkulin ng paglilinang dito...!
Padre Camorra:
Tama! Kung hindi ka magbabayad ang lupain ay ipalilinang ko na lamang sa aking
kasambahay. Matagal na din siyang naging tapat na maninilbihan sakin.
Kabesang Tales:
Ako ang nag-hirap na mag-tanim at mag-ani dito. Ibinuhos ko ang pawis at dugo
ko upang maiahon sa hirap ang pamilya ko.
Padre Camorra:
Ngunit hindi sa iyo ang lupang nililinang mo!
Padre Salvi: Ito
ay pag-aari ng korporasyon.
Kabesang Tales:
Pag-aari?? May kasulatan ba kayo na nag-papatunay na sa inyo ang lupang ito??
Padre Camorra:
Meron!!
Kabesang Tales: At
nasaan naman iyon?
Padre Salvi: At
bakit mo kailangan makita?
Kabesang Tales: Hindi
ako magbabayad ni kalahati ng buwis hanggat wala akong nakikitang katibayan na
inyo nga ang lupang ito.
Tata Selo: (bumulong
sa anak) Anak huwag ka nang magmatigas...
Padre Camorra: Hindi
ba’t tama ang iyong ama, Telesforo? Wala kang mahihita kung
patuloy kang mag-mamatigas.
Kabesang Tales:
Handa akong makipag-usapin maipag-laban lamang ang karapatan namin!! (bahagyang
lumapit upang sugurin ang dalawang prayle)
(pinigilan ng mga Guwardiya
Civil si Tales na sugurin ang mga prayle at tinutukan siya ng baril)
Padre Camorra: Qué barbaridad! Kunin ang anak na lalaki at gawing Guwardiya
Civil
(pinalo ng baril ang ulo ni Tata
Selo at hinila si Tano)
Huli: Bitiwan niyo
siya! Ama!!
Kabesang Tales: Hindi!!!
Wag ang aking anak!!
Tano: Ama!!!
Huli!!! Aaahhh!!!!
Guwardiya Sibil:
Limang daang piso ang hinihingi ng aming pinuno! Kung hindi’y mamamatay ang iyong ama, binibini.
Huli: Saan ako
kukuha ng limang daang piso? Ang mga alahas! Liban lamang itong Agnos. Handog
ito sa akin ni Basilio! (hahalikan ang Agnos) (Isusuot ang Agnos) Ngunit ito’y hindi sapat. Tama! Mamamasukan muna ako kay Hermana
Penchang bilang utusan.
Narrator:
Namasukan nga si Huli kay Hermana Penchang nang sa ganoon ay magkaroon siya ng
perang pantubos kay Tano. Doon, naranasan ni Huli an medyo may pagkalupit na
pakikitungo ni Hermana lalong – lalo na sa tuwing
nagdadasal sila.
SCENE 5: HERMANA PENCHANG
(Nagdadasal sina Hermana
Penchang at Huli)
Hermana Penchang: (mabilis
na dinadasal) Santo Dios Santo fuerte Santo inmortal Libranos señor de la peste
Y de todo mal.
Huli:
(nauutal-utal) Santo Dios Santo fuerte Santo inmortal Libranos señor de la peste
Y de todo mal.
Hermana Penchang:
(binatukan si Huli) Hay naku bata ka!!! Hindi ko alam kung ano ang itinuturo sa
iyo sa bahay niyo at hindi ka marunong magdasal!! (mabilis na dinadasal) Santo
Dios Santo fuerte Santo inmortal Libranos señor de la peste Y de todo mal.
Huli: Pasensya na
po.
Hermana Penchang:
Pasensya?!! Hay naku!! (mabilis na dinadasal) Santo Dios Santo fuerte Santo
inmortal Libranos señor de la peste Y de todo mal. Sumagot ka nga!! (kinurot si
Huli)
Huli: Aray aray...
Opo... (nauutal-utal) Santo Dios Santo fuerte Santo inmortal Libranos señor de
la peste Y de todo mal.
Hermana Penchang: Sabagay wala
naman kasing babae sa bahay niyo!! (mabilis na dinadasal) Santo Dios Santo
fuerte Santo inmortal Libranos señor de la peste Y de todo mal.
Huli:
(nauutal-utal) Santo Dios Santo fuerte Santo inmortal Libranos señor de la
peste Y de todo mal.
Hermana Penchang:
Kapag hindi mo nakabisado ang dasal na iyan hindi ka patatawarin ng Diyos sa
iyong mga kasalanan at hindi kita bibigyan ng pera bilang sahod mo. (mabilis na
dinadasal) Santo Dios Santo fuerte Santo inmortal Libranos señor de la peste Y
de todo mal.
Huli: Opo,
Hermana. Kakabisaduhin ko po ito.
Narrator: Si
Basilio naman na kasintahan ni Huli ay nagawi sa sementeryo kung saan
nakalibing ang kanyang inang si Sisa at doon niya nakita si Simoun sa libingan
ng kanyang ina. Siya ay nagtaka kung bakit ito nartito kung kaya ay nilapitan
niya ito.
SCENE 6: SA SEMENTERYO
Basilio: (umikot
sa isang puno at naupo sa tabi nito) Matagal na rin nang huling punta ko rito.
Naaalala ko pa rin ang mga pangyayari, sariwa pa ang lahat sa aking isip.
Parang kailan lang ang mga sakit na sinapit ko... (tumayo at napatingin sa
isang ilaw na malapit) ano ‘yon...? Si Ginoong Simoun!
Ngunit anong ginagawa niya dito sa libingan ng aking ina?
(Nakita niya si Simoun na
naghuhukay nang kung ano at may katabing isang malaking kahon.)
Basilio: Hindi ko
po kaya kayo matutulungan, ginoo?
(Gulat na liningon ni Simoun ang
tinig at may kung anong huhugutin sa bulsa..)
Simoun: Anong
ginagawa mo sa gubat na ito?
Basilio: Kung inyo
pong magugunita, sa mismong pook ding ito tayo nagtagpo may labing tatlong taon
na ang nakakaraan. Sa aking palagay kayo po ang naghandog sa akin ng isang
pakikiramay, ikaliligaya ko kung ako’y makatutulong naman sa
inyo.
(Kinasa ang rebolber at itinutok
kay Basilio.)
Simoun: At sa
tingin mo’y sino ako? (humakbang paurong)
Basilio: Isang
taong ipinalalagay kong napakadakila.
Simoun: Basilio,
nakababatid ka ng isang lihim na maaring ikasawi ko at ngayon ay nakatuklas ng
isa pa na kung mabunyag ay makakasira ng aking layunin. Ikaw at ako ay kapwa uhaw sa katarungan kung
kaya’t sa halip na tayo ay magpatayan ay kailangan tayong
magtulungan.
(nakikinig lamang si Basilio)
Simoun: Dahil sa
kasamaan ng mga nagsisipamahala ay nagbalik ako sa ilalim ng balatkayong
mangangalakal. Isang nakamamatay na lihim ang iyong nalaman. Isang lihim na
maaari mong ikapahamak. Hindi mo ba naisip na dahil dito ay maaari kang masawi
sa aking kamay?
Basilio: Ano ang
nais ninyong gawin ko Ginoong Simoun? Kaya ko ba silang ipaglaban gayong ako
mismo ay wala! Isa lamang akong hamak na estudyante, wala sa buhay. Hindi
maaaring hukayin ang aking ina at iharap sa hukuman ang kanyanng bangkay at
pagkatapos ay mangbintang nang kung sino-sinong kastila.
(Pagkatapos nito ay umalis ng
payapa si Basilio. Nanatili si Simoun sa kanyang kinatatayuan.)
Simoun: Tama kaya
ang aking ginawa? Bahala na! Mamamatay ang mahihina at matitira ang mga
malalakas! Kaunting pagtitiis na lang, malapit na akong magtagumpay. Kaunting
tiis na lang.
Narrator: Nang
araw na sumunod, sa kabila ng pagtataka
ng lahat, ay nakituloy sa bahay ni Kabisang Tales ang mag aalahas na si
Simoun. Si Kabesang Tales, sa kabila ng paghihirap ay hindi pa rin nakalimutan
ang magandang kaugaliang Pilipino kaya’t hindi magkantuto sa
pagtanggap sa panauhing dayuhan.
SCENE 7: SA BAHAY NI
KABESANG TALES
Simoun: (kinuha
ang isang kwintas at inangat) Mayroon akong kwintas dito na dati ay kay
Cleopatra. Natagpuan ito sa mga pirámide. Mayroon di akong mga
singsing na dati ay pag-aari ng mga mambabatas na Romano na natagpuan sa labi
ng guho sa Cartago…
Sinang: Aayyy! Ang
gaganda! (kinurot ni Kapitana Tika si Sinang) Aray! Inay naman…
(Sa kalayuan ay nakatanaw si
Kabesang Tales)
Simoun: Tingnan
ninyo, (pilit na ipinatatanaw niya kay Kabesang Tales) ang isa lamang sa mga
asul na batong ito, na parang walang malay, at matahimik, malilinis na tila
bituing nagmumula sa kalangitan, kapag nairegalo sa tamang tao sa tamang
pagkakataon, ang isang tao ay nakatitiyak na ng pagkabilanggo ng kanyang
kaaway, ang ama ng isang pamilya na nanggulo sa kapayapaan ng lahat. (Lumapit
kay Kabesang Tales) Kayo wala ba kayong maipagbibili?
Kabesang Tales:
Ang lahat ng alahas ng aking anak ay naipagbili na at ang natira ay wala nang
gaanong halaga.
Sinang: At ang
Agnos ni Maria Clara?
Kabesang Tales:
Tama!
Sinang: Iyon ay
isang laket na may brilyante at esmeralda, isinuot iyon ng matalik kong
kaibigan bago siya nagmongha.
(Sinundan lamang ni Simoun ng
tingin ang palakad-lakad na si Kabesang Tales)
Simoun: Ibig ko
ang disenyo. Magkano mo ipagbibili? (hindi umimik si Kabesang Tales) Nagustuhan
ko, ipagbibili mo ba ito ng limandaang piso? O ibig mong ipagpalit ng ibang
hiyas? Pumili ka.... (tahimik parin) Limandaang piso? Limandaan!
(kinuha ni Kabesang Tales ang
laket at tinignan)
Hermana Penchang:
(lumapit upang tignan ang kwintas) Kung ako’y itatago
ko na lang iyang parang relikya. Ang mga nakakita kay Maria Clara sa kumbento
ay nagsasabing siya’y payat na payat na, mahina
at halos hindi na makapagsalita kayat ipinagpapalagay ng lahat na siya’y mamamatay na Santa. Mataas ang pagtingin sa kanya ni
Padre Salvi, siya ang padre compesor niya. Marahil iyon ang dahilan kung bakit
ayaw ipagbili ni Huli ang agnos at pinili pa niyang isanla ang kanyang sarili.
Kabesang Tales:
Kung tutulutan ninyo ako ay pupunta lamang ako sa bayan upang isangguni sa
aking anak . Babalik ako bago dumilim.
(at umalis nga si Kabesang
Tales)
Narrator: Umalis
nga si Kabesang Tales upang isangguni muna kay Huli ang tungkol sa pagbinta ng kwintas. Lumipas ang ilang
mga araw at sa lugar nila ay nagkaroon ng munting pagtipon – tipon ang mga estudyante ukol sa balak nilang pagtayo ng
Akademya ng Wikang Kastila. Sila ay sumangguni kay Ginoong Pasta na isang
abogado kung ano ba ang mga nararapat gawin at para na rin matulungan sila na
mapatayo ito. Ngunit sa kasawiang palad ay hindi sila nagging matagumpay. Si
Don Custodio na isa sa lumabag sa kagustuhan nila ay nagpunta sa isang
liwaliwan at doon ibunuhos ang kanyang oras.
SCENE 8: DON CUSTODIO AT
PEPAY
(Nakaupo si Don Custodio at
naghihintay)
Don Custodio:
(tingin ng tingin sa paligid at sa relo) Napaka tagal naman
(sasayaw si Pepay sa gilid)
(mapapalingon si Don Custodio at
pinag-papawisan)
Pepay: ( Lalapit
kay Don Custodio na para bang nang aakit) Custodoni..... Custodoni...!!!
(ihihipan ang tenga ni Don Custodio)
Don Custodio: Pumunta
lamang ako dito upang sabihing huwag muna tayo magkita... nagkakagulo ang mga
estudyante ngayon at baka ako’y paman-manan.
Pepay: Custodoni..
ikaw naman eh...
(Naka upo sila. Lalayo si
Custodio, lalapit si Pepay hanggang sa tumayo si Custodio at mahulog si Pepay
sa upuan)
Pepay: (tatayo
agad) Custodoni naman eh... pahalik nga... sige na! (Hinila si Don Custodio at
kumandong)
Don Custodio: Ano
ka ba baka naman may makakita sa atin (kunwari pa pero yayapusin din si Pepay)
Pepay: Custodoni...
alam mo kasi namatay ang aking tiyahin at kailangan namin ng pampalibing...
Don Custodio: O,
siya sige. Sabi ko na nga ba. Pera nga talaga ang pakay mo. O, eto..(binigay
ang pera.) Basta, wag muna tayong magkita dahil nagkakagulo na.
Pepay: Salamat
Custodoni. (Sabay halik sa pisngi)
SCENE 8: QUIROGA
Simoun: Ano
Quiroga? Kamusta ang iyong negosyo?
Quiroga: Ah, Sinyo
Simoun, mahilap! Mahilap na an akien negosyo!
Simoun: Sukat na
ang daing, Quiroga, iniligtas kita sa maraming opisyal na humihingi sa iyo ng pero! Pinautang ko sila upang ikaw ay
hina bagabagin!
Quiroga: Pelo,
Sinyo Simoun, malami ang may utang sa akien na di ko na masingil. Wala din migay
sa akien lisibo kaya hiende niyo sila masisingil din.
Simoun: Kung gayo’y ilapit mo na lang sila sa akin. Halika’t sa silid tayo magusap. Kailangan kong maipasok ang
ilang kahon ng mga baril at itago sa kamalig!
Quiroga:
Mapanganib iyon sinyo simoun!
Simoun: Hindi ka
manganganib bahagyaman! Ang mga baril na iyon ay unti-unting itatago sa mga
bahay-bahay, pagkatapos ay gagawin ang paghahalughog at marami ang makukulong
sa bilangguan! Ngayon ikaw at ako ang makikinabang ng malaki sa pagsisikap na
mapalaya ang mga bilanggo- nauunawaan mo ba ko Quiroga?
Quiroga: Siya
siya.. Basta huli malami tao, hah, sinyo Simoun..
Narrator:
Pagkatapos ng pag uusap nina Simoun at Quiroga ay nagyaya si Simoun patungong
peryahan upang mapatunayan kung mayroon ngang ulong nagsasalita na pinag – uusapan nila. Hindi magkamayaw sa perya. Magkahalo ang
ingay ng mga taong walang tigil ng kalalakad at ng musikang likha ng iba’t – ibang instrument. Walang
pagsidlan ng tuwa si Padre Camorra. Sa dami ng magagandang dalaga na kanyang nakikita,
ninais n asana niya ang maging kura paroko ng Quiapo.
SCENE 9: SA PERYA NG
QUIAPO
Ben Zayb: Aray!
Padre Camorra: Napakaganda ng
binibining iyan! Hindi mo ba nakita? Ang ganda niya!
(kinurot kurot ang braso ni Ben
Zayb)
Ben Zayb: Oo!
Nakita ko! Tigilan mo na nga yan Padre! Nakakasakit ka na ha! (kinuha ang kamay ng Padre)
Padre Camorra:
Buti talaga at nakarating tayo sa lugar na ito, Ben Zayb! Tumingin ka sa dako
roon! (may tinuturo)
Ben Zayb: Padre
naman! Aray! Ano ba?! (kinurot ang kanyang tiyan)
Padre Camorra:
Tingnan mo ang binibining paparating! Napakaganda! Para akong nakakita ng tala
sa gabing madilim! Ubod ng ganda!
Ben Zayb: Siya si
Paulita Gomez. Siya ay pamangkin ni Donya Victorina.
Padre Camorra:
Halika! Puntahan natin!
Narrator: Ipinapatuloy
nga nila ang kanilang pamamasyal sa peryahan at doon nila natuklasan na puro
pandaraya lang pala ang mga mahika doon lalo na ang ulong nagsasalita kung kaya
ipinagbawal na ng mga prayle ang mga ganoong tanawin sa perya. Lumipas ang mga
araw at binisita ni Simoun si kapitan Basilio.
SCENE 10: KAPITAN TIAGO
Simoun: Kamusta na
si Kapitan Tiago?
Basilio: Mahina na
ang pulso, walang ganang kumain. Kumalat
na nang tuluyan ang lason sa kanyang katawan.
Simoun: Parang
Pilipinas, habang tumatagal, lalong humihina. Napansin kong hindi mo binabasa
ang librong ibinigay ko sa iyo. Wala kang pagmamahal sa bayan. Sa loob lamang
ng isang oras, magsismula na ang himagsikan, at bukas ay wala nang mga
unibersidad, wala ng mga mag-aaral at magpapahirap. Naparito ako dahil sa
dalawang bagay: ang kamatayan mo o ang iyong kinabukasan. Sa panig ng umaapi sa
iyo o sa panig ng iyong bayan?
Basilio: Sa panig
ng umaapi o sa panig ng inaapi? Hindi ko alam.
Simoun: Magpasya
ka! Kailangan mo nag mag-desisyon, dahil ako ang namumuno sa pagkakagulo.
Ipakikiusap ko sayo na samantalahin mo ang pagkakataon. Pamahalaan mo ang isang
hukbo at lubusin ninyo ang Sta. Clara. Kukunin mo ang isang taong tanging ikaw
lamang ang nakakakilala bukod kay Kapitan Tiago, si Maria Clara.
Basilio: Huli na
kayo!
Simoun: Anong ibig
mong sabihin?
Basilio: Si Maria
Clara ay patay na!
Simoun: Patay?
Hindi! Papaanong nangyari ito?
Basilio: Ika-anim
ng hapon nang siya ay mamatay. Naparoon ako sa kumbento upang makibalita nang
sabihin nila sa akin ang lahat. Pagbalik ko ay isang liham mula kay Padre Salvi
na ipinaaabot kay Kapitan Tiago ang dala ni Padre Irene. At dahil na rin sa
sulat na ito kung kaya’t nanangis ang Kapitan.
Simoun: Hindi
maaari ito! Hindi pa siya patay! Buahy pa si Maria Clara! Ililigtas ko siya
ngayon!
Basilio: Ginoong
Simoun, huminahon kayo. Wala na tayong magagawa liban sa tanggapin ang
katotohanan.
Simoun: Namatay
siya nang hindi man lamang nalalamang ako’y buhay!
Namatay siya nang hindi nalalaman na ako’y nagbalik
para sa kanya!
Narrator: Doon
nalaman ni Simoun na patay na pala ang babaing kanyang iniibig. Parang gumuho
ang lahat – lahat sa kanya. Ngunit, sa kabila nito, lalong nagkaroon
siya ng lakas ng loob para maghiganti sa mga taong nang – api sa kanila. Tuluyan na nga niyang isasagawa ang
kanyang plano. Samantala, si Isagani naman na lubos na umiibig kay Paulita ang
naghintay sa kanyang iniirog. Kahit kumalat na ang dilim sa kapaligiran ay
nandoon pa rin siya sa lugar na kanilang pinagtatagpuan.
SCENE 11: ISAGANI
(Nakaupo si Isagani sa isang
medyo tagong bangko)
(dumaan sina Paulita, Juanito at
Doña Victorina)
Doña Victorina:
(nakakapit kay Juanito) kay ganda ng gabi... hindi ba Juanito... kay sarap
maglakad sa ilalim ng buwan. Kung sana’y... (lumapit kay Isagani at
pinalo ng pamaypay) Hoy binata! Ano na ang balita sa esposo kong si Tiburcio
Pilantod! Hindi ba’t ikaw ang nahilingan kong humanap sa kanya. Baka alam ng
tiyuhin mo kung nasaan ito! Aba’y sabihin niyo na kung buhay
pa siya o patay na... nang makapag asawa na muli ako
Isagani: Paumanhin
señora ngunit wala pa rin po kaming balita tungkol sa inyong asawa (galit na
nakatingin kay Juanito at Paulita)
Paulita: Siya nga
naman tiya. Bigyan niyo pa ng oras si Isagani na kayo’y
matulungan. Siya nga pala tiya mauna na kayo ni Juanito kung maaari sapagkat
nahulog ko yata ang aking abaniko (tinatago lang sa likod)
Doña Victorina:
(pilit na sinisilip kung ano ang nasa likod ni Paulita) Mabuti pa siguro at
mauna na nga kami.
Isagani: At bakit
kasama mo na naman ang binatang iyon? Napapansin kong madalas kayong lumabas ng
magkasama, tila may hindi ka sinasabi sa akin. (tatalikod sa kasintahan at uupo
sa bench)
Paulita: (aamuhin
ang nobyo) Nagseselos ka ba mahal ko? Hindi ko naman nais na lagi siyang
makasama. Ngunit si lagi siyang iniimbitahan ni Tiya Torina sa tuwing kami’y lalabas. (uupo sa tabi ni Isagani) Huwag ka nang
magtampo sige na.... Gumawa naman ako nang paraan para tayo’y mapag-isa hindi ba? Upang makasama ka kahit saglit lang
ay nagawa kong magsinungaling kay Tiya Torina.
(tatayo si Isagani ngunit
nakatalikod pa rin kay Paulita)
Paulita: (siya
naman ang tatayo at nakatalikod sa nobyo) Ikaw nga eh! Kanina ko pa napupuna na
pinag-mamasdan mo ang isang dalagang Pranses.
(lalapit si Isagani na akmang
magsasalita ngunit tumalikod din nang mapansing paharap na ang kasintahan)
Isagani: Huwag
mong ipasa sa akin ang sisi... at hindi ko alam ang sinasabi mo tungkol sa
Pranses na dalaga.
(lumingon si Paulita ngunit
tumalikod din nang mapansing paharap na ang kasintahan)
Paulita: Kung gayon
ay ako pala ang mali...
Isagani: (lalapit
at yayakapin ang nobya) Paulita alam mo namang para sa iyo lamang ang aking mga
mata. (haharap si Paulita holding hands at eye to eye) Ikaw lamang ang
pinakananais nitong masdan at titigan. Alam mo namang simula ng makilala kita
ay ikaw na ang pinakamaganda sa aking paningin na noon ay sa bayan ko lang
inuukol. Ngayon ay masasabi kong kulang ang ganda ng aking bayan kung wala ang
iyong kagandahan. Darating ang panahon at magiging malaya na ang Pilipinas at
pagdating ng panahong iyon saka lamang makukumpleto ang aking kaligayahan at
mga pangarap.
Paulita: Pangarap!
Pangarap! Sinabi ni Tiya Torina na lagi raw alipin ang bayang ito.
(bumalik na si Juanito at Doña
Victorina)
Donya Victorina: Halika
na, Paulita at baka sipunin ka! Tigilan mo na ang pakikipag – usap sa Indiong ito!
Narrator: Walang
nagawa si Paulita kundi ang sumama sa kanyang tiyahin. Sapat na para kay
Isagani na makasama niya si Paulita kahit sa maikling sandali. Masakit man sa
kanya na ikakasal na ito sa ibang lalaki ngunit wala siyang magagawa. Sa isang
pansiterya naman na nagngangalang Pansiteria Macanista de Buen Gusto, ang mga
estudyante ay nagtipon-tipon dahil sa pare-pareho silang masasama ang loob
pagkat sila’y nabigo sa kanilang panukala ukol sa pagtatatag ng
Akademya ng Wikang Kastila.
SCENE 12: SA PANSITIRYA
Lahat ng mga estudyante: Luwalhati kay Don Custodio sa kaitaasan at pansit sa
lupa sa mga binatang may magagandang kalooban!
Sandoval: Bakit
hindi pinaburan ni Don Custodio ang ating hiling?
Macaraig: Walang
nakakaalam niyan.
Juanito: Diba’t marami na siyang tagumpay? Bakit tayo’y hindi man lamang niya hinayaang magtagumpay? Mabuti
naman ang ating layunin.
(Nang biglang dumating si Tadeo;
si Sandoval ay kumakain.)
Tadeo: Alam niyo
na ba? Ang mag-aalahas na si Simoun ay ginulpi ng mga di nakilalang mga tao. At
ayaw daw nitong magsalita! Marahil ay nagbabalak maghiganti. Sabi ng ilan sa
bayan, mga prayle daw ang may kagagawan.
Sandoval: sino ba
naman sa atin ang may interes sa nangyari sa mag-aalahas na walang ibang nais
kundi samsamin ang mga salapi ng mga Pilipino. Tena kayo! Ang sarap ng mga
pagkain.
(Hindi pa nagtatagal nang
dumating si Isagani)
Macaraig: Mabuti
at nakarating ka. Si Juanito na lang pala ang wala.
Tadeo: Sana’y si Basilio na lang an gating inanyayahan sa halip na si
Juanito. Mukhang wala itong balak pumunta.
Sandoval: Oo nga
naman. Bakit nga ba hindi na lamang si Basilio an gating inanyayahan?
Tadeo: Isa pa,
kapag nalasing natin si Basilio ay maaari pa tayong makakuha nang ilang detalye
tungkol sa isang bata at isang mongha na nawawala.
(Lumipas ang ilang minuto nang
kanilang paghihintay kay Juanito ay wala pa ito. Kaya minabuti na nilang
kumain. Habang nagkakainan ay nagkatuwaan ang mga mag-aaral.)
Tadeo: Para kay
Don Custodio ang “panukalang sopas”.
Sandoval: Kay
Padre Irene naman ang lumpiang shanghai at ang tortang alimango ay sa mga
prayle.
Macaraig: Pansit
guisado naman para sa bayan. Dahil katulad nang pansit ng mga Intsik, tayo ang
tumatangkilik pero sila ng nakikinabang! Tulad ng ating pamahalaan ngayon.
Isagani: Hindi!
Dapat ialay ang pansit kay Quiroga, isa sa pinaka-makapangyarihang tao sa
Pilinas!
Sandoval: Dapat ay
sa Eminencia Negra, kay Simoun!
(at nagpatuloy ang kasiyahan )
Narrator: (Insert)
SCENE 13: NAKULONG SI
BASILIO
Juli: Ano ang wika
ninyo Hermana Bali? DInakip si Basilio?
Hermana Bali: Oo Juli!
Nakabilanggo siya ngayon kasama ng ibang mga estudyante!
Juli: Hindi! Si
Kapitan Tiyago naman ay patay na! Sino pa ang nalalabing tutulong kay Basilio?
Sino!
Hermana Bali: Si
Padre Camorra, hindi ba siya ang nagpalaya sa iyong Lolo Selo?
Hingan mo siyang muli ng tulong!
Tiyak na mapapalaya niya si Basilio!
Juli: Diyos ko!
Tulungan mo po si Basilio!
Padre Camorra: Juli!
Juli: Kailangan
kop o ang inyong tulong Padre Camorra! Tungkol po ito kay Basilio!
Padre Camorra:
Aking tutuparin kung ako’y iyong pagbibigyan.
(Babatuhin ng bote ni Hermana
Bati si Padre Camorra at sasampalin ito ng Padre at makakatakas si Juli paakyat
sa kumbento at tatalon sa bintana ng kumbento.)
Narrator: Si Juli
ay naghanap ng paraan upang makalaya si Basilio at hindi siya nabigo. Ginawa
nga niya ang lahat para sa lalaking kanyang iniibig. Patuloy na lumipas ang mga
araw at dumating na nga ang araw ng kasal ni Paulita at Isagani. Sa araw ding
ito ay isasagawa ang maitim na balak ni Simoun. Agad na tinungo ni Basilio ang
bahay ni Simoun
SCENE 14: ANG PAGSASAGAWA
NG PLANO
Basilio: Isa akong
masamang anak at kapatid G. Simoun. Nakalimutan kong piñata ang aking kapatid
at pinahirapan ang aking ina. Ngayo’y pinaparusahan ako ng
Diyos. Wala na akong nararamdaman kundi galit at paghihiganti.
(Hindi kimubo si Simoun.)
Basilio: kahit
noong may himagsikan ay hindi ako nakialam. Nabigo sila at ako’y nakulang kahit wala akong kasalanan. Iyon ang parusa sa
akin. Narito ako sa labas nang dahil sa inyo. Ngayon, handa na ako. Handa ko
nang ipagtanggol ang bayan.
Simoun: Nabigo ang
kilusan ng dahil na rin sa akin. Urong-sulong ang aking mga desisyon, dahil
umiibig pa ako noon. Ngayong patay na ang aking puso wala ng dahilan para
umatras. Pareho na tayo ngayon. At sa tulong mo ako’y
magtatagumpay. Magsasabog ako ng kamatayan sa gitna ng bango at rangya, ikaw
nama’y gigising sa mga kabataan sa gitna ng dugo.
(Isinama ni Simoun si Basilio sa
loob ng kanyang laboratory. Ipinakita niya dito ang kanyang mga gamit at
eksperimento sa kemika. Sa loob ng laboratoryo ay makikita ang isang lampara na
may kakaibang hugis.)
Basilio: Para saan
naman po ang lamparang iyan?
Simoun: Hintayin
mo.
(Pagkaraan ay inilabas ni Simoun
ang isang lalagyan na may nakasulat na nitrogliserina, isang pormula na
ginagamit sa paggawa ng dinamita.)
Basilio: Dinamita!
Simoun: Oo, ngunit
hindi ito basta-basta dinamita. Ito ang mga kasawiang naimbak, mga kagagawang
walang katwiran at mapang-api. Ngayong gabi, makakarinig ng pagsabog ang
Pilipinas at mapaparusahan ang mga makasalanang hindi magawang parusahan!
(Ipinagpatuloy ni Simoun ang
ginagawa.)
Simoun: Mamayang
gabi ay magkakaroon ng pista. Ilalagay ang lamparang ito sa gitna ng handaan.
Napakaningning nang liwanag na ibibigay nito, ngunit pansamantala lang.
pagkaraan ng dalawampung minuto, mawawala ang ilaw ng lampara. Kapag inayos ang
mitsa, sasabog ang bomba!
Basilio: Kung gayo’y hindi na pala ninyo ako kailangan.
Simoun: Iba ang
iyong gagawin. Pagkarinig ng putok ay lalabas ang mga artilyero at iba pang
kinasundo ko noon. Pupunta ang lahat sa lugar na kinaroroonan ni Kabesang Tales
sa Sta. Mesa. Sabay-sabay na susugod ang lahat. Magkakagulo at ang mga
mamamayan ay nanaisin na ring lumaban. Ikaw ang mamumuno sa iba. Dalhin mo sila
sa bahay ni Quiroga dahil doon nakaimbak ang mga baril at pulbura. Kami naman
ni Kabesang Tales ay susubukang agawin ang tulay. Mamamatay ang lahat ng
mahihina! Ang lahat ng hindi handa!
Basilio: Lahat?
Kahit ang mga walang laban?
Simoun: Oo! Lahat!
Lahat ng Indio, Mestiso, Intsik, Kastilang duwag! Kailangang magsimula muli.
Mula sa mga dugong dadanak ay sisibol ang bagong lahi! Isang bagong lipunan na
kahit kailan ay hindi na magpapa-api!
Basilio: At ano na
lang ang sasabihin ng mundo sa gagawin nating ito?
Simoun: Pupurihin
tayo ng daigdaig!
Basilio: Ano nga
naman ang aking pakialam! Bakit ko kailangang isipin kung pupurihin nila ito o
hindi? Bakit ko kailangang linagpin ang mundong kalian man ay hindi lumingap sa
akin!
Simoun: Tama ka!
(Inabot ni Simoun ang isang
rebolber kay Basilio.)
Simoun: Hintayin
ninyo ako sa tapat ng simbahan ng San Agustin, ika-10 ng gabi. Lumayo kayo sa
Daann Analogue sa alas-nuwebe.
Basilio: Kung gayo’y magkita na lamang tayo mamaya.
(At tuluyan nang umalis si
Basilio.)
Narrator: Nang
sumapit ang alas-siyete na ng gabi, nagsimula nang dagsain ng mga panauhin ang
bahay ni Kapitan Tiago, na pagdadausan ng kasal nila Paulita at Juanito. Ang
pagdating ng Kapitan Heneral na lamang ang hinihintay upang magsimula ang
pista. Sa harap ng bahay ay naroon si Basilio at nagmamasid.
SCENE 15: ANG KASAL
Basilio: Si
Paulita ay ikakasal na pala kay Juanito Pelaez! Kaawa-awang Isagani! Ang dami
palang mamamatay sa pagsabog na magaganap. Kaawa-awa naman sila. Payuhan ko na
lamang kaya ang ilan na umalis upang hindi madamay.
(Papalapit na siya sa bahay.)
Basilio: Hindi!
Ano naman ngayon sa akin kung mamamatay sila! Hindi ko dapat sirain ang
pagtitiwala niya. Siya ang naglibing sa aking ina at ang mga tao sa loob ng
pumatay! Sinubukan kong kalimutan ang lahat! Magpatawad, pero ang lahat ay may
hangganan din!
(Nakita niya ang pagdating ni
Simoun dala ang lampara.Pagdating ng Kapitan Heneral ay isa si Simoun sa
sumalubong. Kinilabutan bigla si Basilio. Nakita niyang pinaligiran ng mga
taong mangha sa liwanag na binibigay ng lampara.)
Simoun: Ito ang
handog ko sa bagong kasal!
Paulita Gomez:
Napakagandang ilawan!
Juanito Pelaez:
Maraming Salamat Don Simoun.
Paulita Gomez:
Maaari nab a naming itong magamit?
Simoun: oo, bakit
hindi? Ilagay ninyo roon sa kainan.
(aalis si Simoun)
Basilio: Hindi
sila dapat madamay!
(Pumunta si Basilio sa pintuan
at sinubukang pumasok.)
Basilio: Papasukin
nyo ako! Ililigtas ko sila!
Tanod: Hindi ka
maaaring pumasok dito! Tignan mo nga iyong suot!
Basilio: Papasukin
ninyo ako!
(Nakita ni Simoun si Basilio.
Bigla itong namutla sa kaba. Bigla itong umalis.)
Simoun: Tayo na sa
Escolta, madali!
(At tuluyan nangnumalis si
Simoun)
Basilio: Ililigtas
na niya ang kanyang sarili. Dapat na rin akong umalis.
(Nagsimulang lumakad palayo si
Basilio. Kanyang nakasalubong si Isagani sa daan, patungo sa pista.)
Isagani: Anong
ginagawa mo dito?
Basilio: Isagani!
Tara na! umalis na tayo dito!
Isagani: Bakit ka
aalis? Puntahan natin siya. Iba na siya bukas. Ibig ko siyang makita.
Basilio: Gusto mo
na bang mamatay?
Isagani: Hindi ko
alam.
Basilio: Makinig
ka! Ang lampara sa loob ay may lamang pulbura! Sasabog iyon ano mang oras
ngayon! Tara na!
Isagani: Bukas ay
iba na siya….
Basilio: Kaawaan
ka ng Diyos.
Narrator: At
iniwan ni Basilio ang kaibigan upang iligtas ang sarili. Sa loob ng bahay ay
nagkakainan na ang mga bisita nang may nakita silang papel.
SCENE 16: ANG LAMPARA
Kapitan Heneral:
Nakasulat dito, “Mane thecel, pares”
– Crisostomo Ibarra.
Ben Zayb: Isang
biro lang iyan!
Donya Victorina:
Hindi magandang biro! Isang pagbabanta mula sa isang taong matagal nang
namayapa!
(Binasa ni Padre Salvi ang
liham.)
Padre Salvi: Si
Ibarra! Siya ang nagsulat nito! Sulat kamay niya ito!
Kapitan Heneral: Ituloy
ang kasiyahan! Walang dapat ipangamba. Walang kwenta ang ganyang biro.
Don Custodio: Hindi
kaya nais niya tayong patayin lahat?
(Hindi kumibo ang lahat. Nang
biglang mamatay ang ilaw sa lampara.)
Kapitan Heneral: Padre
Irene, pakitaas na lamang ang mitsa.
Padre Irene: Isang
saglit lamang.
(Bago pa man makatayo si Parde
Irene, isang anino ang lumapit at kumuha sa lampara.)
Padre Irene:
Magnanakaw! Habulin ninyo ang magnanakaw!
(Dumiretso ang magnanakaw sa
asotea ng bahay at tumalon sa ilog kasama ang lampara. Ilang saglit pa ay,
isang nakagigimbal na pagsabog ang narinig.)
Narrator: Napag -
alaman ng lahat na si Simoun ang may kagagawan ng lahat. Hinalughog ang kanyang
bahay at nakita dito ang ilang armas at bulbura. Pinaghahanap na siya ng mga
sibil. Ayaw niyang magpahuli ng buhay kaya uminom siya ng lason at nagtungo kay
Padre Florentino upang mangumpisal.
SCENE 17: ANG KASAWIAN
Padre Florentino:
Masama ba ang inyong pakiramdam?
Simoun: Wala ito
Padre, mawawala din ang lahat pagkaraan ng ilang sandali. Anumang oras ay
tatalab na ang lason sa aking katawan.
Padre Florentino: Diyos
ko!
Simoun: Huwag
kayong matakot. Lumalalim na ang gabi. Nais kong ilahad sa inyo ang aking
lihim. Maaari mo bang sabihin sa akin kung totoong may Diyos?
Padre Florentino: Kahit
saan tayo nagtungo nariyan ang Diyos.
Simoun: Padre,
ayokong mamatay ng may dalang kasamaan! Ako si Crisostomo Ibarra, na malaon
nang ipinapalagay na patay. Noong araw, pagkatapos kong mag-aral sa Europa ay
umuwi ako rito upang pakasalan ang babaeng iniibig kong si Maria Clara. Ngunit
ito’y hindi natupad.
Padre Florentino: Patawarin
ka ng Diyos, anak. Alam niyang hindi mo ginusto ang lahat, na ikaw ay nasilaw
lamang ng galit at paghihiganti. Kagustuhan Niyang lahat nang nangyari. Hindi
nagtagumpay ang iyong plano nang dahil sa Kanya. Sapagkat alam Niyang hindi ito
tama. Igalang natin ang Kanyang kapasyahan.
Simoun: Palagay
niyo po ba ay Diyos ang nagkaloob ng lahat ng ito?
Padre Florentino: Walang
makakapagsabi ng iniisip ng Diyos, ngunit kalian man ay hindi Siya naghangad ng
masama para sa atin.
Simoun: Kung
gayon, bakit hindi Niya ako tinulungan?
Padre Florentino: Sapagkat
mali ang iyong pamamaraan. Pag-ibig lang ang nakakagawa ng dakila.
Simoun: Bakit ako
ang pinarurusahan at hindi ang mga masasamang namamahala na walang dulot kundi
kasamaan?
Padre Florentino:
kailangang alugin ang lalagyan para humalimuyak ang bango.
(Nagpatuloy sa pagkukumpisal si
Simoun kay Padre Florentino. Hanggang sa pinisil ni Simoun ang kamay ng pari.)
Simoun: Maraming
salamat Padre, ngayon ay payapa na ang aking kalooban.
(Muling pinisil ni Simoun ang
kamay ni Padre Florentino at tuluyan itong nawala sa pagkakahawak. Kinuha ni
Padre Florentino ang kayamanan ni Simoun at nagtungno sa talampas. Inihagis ni
Padre Florentino ang kaymanan ni Simoun sa karagatan.
Padre Florentino:
Malibing ka nawa sa kailaliman ng dagat… ngunit
kung kakailanganin ka ng tao para sa isang marangal na hangarin, ipahintulot ng
Diyos na matuklasan ka sa sinapupunan ng alon. Pansamantala, diyan ka muna,
hindi makababaluktot ng katwiran, hindi mag-uudyok ng kasakiman.
Narrator: At
tuluyan ngang nasawi si Simoun na ang tunay na katauhan ay Crisostomo Ibarra.
Dahil sa kanyang galit sa mga
taong umapi sa kanilang bayan, puro galit at poot ang namayani sa kanyang dibdib
at ito ang nagdala sa kanya sa kasawian.
Conclusion: This
novel made by Dr. Jose Rizal is a continuation of his first novel “Noli Me Tangere”. It has a little humor,
less idealism, and less romance than the Noli Me Tangere. It is revolutionary
for its plot is more on vengeance and it has a tragic ending. Dr. Jose Rizal
made this novel so that Filipinos will be enlightened on the situations during
the Spanish Tyranny. This brought danger in his life so with his family for the
friars and the Spanish government were against of the contents of this novel.
However, this novel really brought a big impact to the Filipinos especially to
our Motherland.
No comments:
Post a Comment