Monday, June 13, 2016



Characters of El Filibusterismo
Agolito, Carlo                                                         -Simoun
Aguliar, Krisha Cheenee                      -Padre Irene
Almaden Gineva                                           -Padre Sibyla
Almaden, Michelle                                        -Padre Florentino                              
Angga-on, Madeth                                        -Sinang
Aparicio, Honey                                           -Kapitan
Bebillio, Kingbert                                         -Basilio
Bersabal, Aide                                                       -Hermana Penchang
Bersabal, Naidy Rose                                    -Narrator
Bud-ay, Lovelyn                                           -Quiroga
Bunag, Josephine                                         -Huli
Caham, Bergylynn                                        -Guardia Civil
Cedeno, Ninos Vince                                     -Tata Selo
Cepeda, Edrick                                                       -Don Custodio
Clapano, Elled                                                        -Kapitan Heneral
Dawogan, Jorlan                                          -Kabesang Tales
Dimdim, Jinena                                                      Macaraig
http://eskipaper.com/images/free-vintage-backgrounds-2.jpgEhigon, Ravin                                                        -Juanito Pelaez
Gawahan, Blesstel Clare                      -Sandoval
Gawahan, Hendrix                                       -Isagani
Lacida, Patrick                                                      -Tanod
Libot-Libot, Jessa                                          -Tano
Mapano, Celeste                                           -Tadeo
Mapano, Jason                                                       -Ben Zayb
Millanes, Inah                                                        -Guradia Civil
Ocum, Christine                                                      -Pepay
Onda, Princess                                                       -Padre Salvi
Origenes, Juliet                                                      -Donya Victorina
Paluhan, Glenda                                          -Guardia Civil
Sale, Annalyn                                                         -Guardia Civil
Sendrijas, Ma. Cheryl                                    -Hermana Bali
Sindaln, Krisha                                                       -Padre Camorra
Vios, Aivy Claire                                           -Paulita Gomez








E L F ILIBUSTERISMO
(Group 2)

Narrator: Buwan ng Disyembre, isang sasakyan na ang tawag ay Bapor Tabo ay kasalukuyang tumatahak sa paikot ikot na ilog Pasig papuntang Laguna. Ang itsura ng bapor ay tulad na tulad ng korte ng isang tabo. Ang bapor na ito ay di katulad ng ibang bapor at naiiba dahilan sa angkin na kakaibang kulay na ditoy ipininta. Di lamang mapapansin ang bapor kundi ang mga tao ring nakasakay dito, mga taong itim, mga Indiyo, mga Intsik at mga mestizo at Europeo. Ang namumukod na ginang na kasama ng mga Europeo ay walang iba kundi si Donya Victorina na siyang nagsasabing ang Bapor Tabo ay walang kwenta.
SCENE 1: SA KUBYERTA

Donya Victorina: (mataray at naiinis ang tinig) Ang bagal bagal naman ng takbo nitong bapor! Hay naku! At iyang nagdaraanang kasko, Bangka, balsa at mga indiong nagsisiligo at nagsisilaba, nakakasira ng ganda ng kalikasan! Bibilis sana ang takbo ng baor kung walang mga Indio sa ilog, sa pampang! Sa alinmang lipunan o sa alinmang bahagi ng daigdig!
(walang nakarinig)
Donya Victorina: Ano?! Magsalita kayo! Kapitan! Bakit hindi mo tulinan ang takbo nito? Marahang marahang marahang! (nagpaypay ng mabilis) Ano?! Talaga ngang tulad kayo ng mga Indio! Mga walang silbi!
(umismid at umalis)
Narrator: Samantala, sa kabilang bahagi naman ng bapor ay makikita sina Padre Camorra, Don Custodio, Ben Zayb at Simoun na napag usapan ang pagpapailalim sa Ilog Pasig.
SCENE 2: ILALIM NG KUBYERTA

Ben Zayb: Dapat bigyang halaga ang katalinuhan ng mga siyentista. Wala tayong pag unlad kung wala ang pinag aralan ng mga tao.
Padre Camorra: Magtigil ka Ben Zayb! Karanasan lamang ang kailangan para mapaganda ang Ilog Pasig hindi yang puro katalinuhan.
Simoun: Mga simpleng problema lang iyan na nangangailangan ng simpleng lohika. Gumawa ng isan kanal sa bunganga ng ilog hanggang sa labasan na maglalagos sa Maynila at ang lupang mahuhukay ang itatabon sa dating ilog . Kapag nagawa ito tiyak na iikli ang paglalakbay.
Don Custodio: Yan ang isang maling paraan! Nakapagbibigay lamang ito ng kaguluhan! At saan tayo kukuha ng pondo para sa ilog na yan? Mag alaga nalang ng mga itik at itoy ilagay sa ilog Pasig!
(sumabat sa usapan si Dony Victorina)
Donya Victorina: Anong itik? Yan ay nakakadiri! Lalong lalo na ang balot!
Ben Zayb: Ipagpaumanhin nyo Donya Victorina ngunit ikaw ay hindi kasali sa usaping ito.
(medyo napahiya ang Donya)
Simoun: Hindi kailangan ng pondo sapagkat ang kailangan ditto ay ang pagtutulungan ng mag tao. Maiwan ko muna kayo.
Ben Zayb: Saglit Ginoong Simoun.
(tuloy tuloy ang lakad ni Simoun papunta kina Isagani at Basilio)
Simoun: Magandang araw sa inyo. Maaari ba akong makisali sa usapan ninyo? Tila kayoy nagkakatuwaan. Basilio, ikaw ba ay pauwi na at magbabakasyon?
Basilio: Ganoon na nga po Ginoong Simoun.
Simoun: At sino naman ang iyong kasama? Kababayan mo ba siya?
Basilio: Hindi po Ginoo, ngunit magkalapit lamang ang aming bayan. Bakit Ginoo, hindi pa po ba kayo nakakarating sa bayan nila?
Simoun: Sadyang hindi ako nagtutungo sa mga lalawigan dahil ang mga tao dooy hindi naman bumibili ng mga alahas, sa aking palagay ay dahil sa mahihirap ang mga tao doon.
Isagani: Sadyang hindi lamang kami bumibili ng mga gamit na hindi naman namin kailangan.
(ngumiti ng pilit si Simoun ngunit bakas ang kanyang galit)
Simoun: Bueno heto saluhan niyo na lamang ako sa pag-inom ng serbesa
Basilio: Salamat Ginoo, ngunit hindi kami umiinom ng alak
Simoun: Hindi umiinom? Ika nga ni Padre Camorra masama raw ang puro tubig ang iniinom.
(gumuhit ang inis sa mukha ni Isagani)
Isagani: Kung tubig lang ang iniinom ni Padre Camorra ay wala sigurong tsismis silang maririnig.
(natigilan si Simoun at halatang namangha)
(tinignan ni Basilio ang dalawa saka siniko si Isagani)
Basilio: Ipagpaumanhin ninyo Ginoong Simoun, kamiy mauuna na sa inyo. Ang tiyo ng aking kasama ay naghihintay na sa amin doon sa may dakong hulihan.
Simoun: Walang anuman, Basilio.
(umalis ang dalawa)
Narrator: Sa kabilang bahagi naman ng kubyerta kung saan naroon ang kapitan ay napag usapan ang tungkol sa alamat. Nadatnan sila ni Simoun.
SCENE 3: KABILANG BAHAGI NG KUBYERTA

Kapitan: Kung sa alamat lang din naman ang pag-uusapan, mayroon din niyan ang ilog Pasig. Nariyan ang malapad na bato, batumbuhay na sagrado bago pa dumating ang mga kastila at pinagtitirahan ng mga espiritu. May isang alamat, ang alamat ni Doña Geromina na... na... (naghahanap at biglang itinuro si Padre Florentino) na alam ni Padre Florentino.
Padre Sibyla: (nagmamalaki at nag-halukipkip) Lahat ng tao ay nakakaalam niyan!
Doña Victorina: Ngunit padre hindi ko pa alam ang alamat na iyon?
Ben Zayb: Siyanga! Ano ba ang tungkol sa kwentong iyon padre?
Padre Sibyla: (naglakad ng kaunti at tumanaw sa malayo) (inaakto ang mga pangyayari) Sabi nila may isang estudyante...
Ben Zayb: Mawalang galang, ngunit Kapitan, alam ba ninyo kung saang dako ng lawa napatay ang isang nagngangalang Gueverra, Navarra o Ibarra?
Doña Victorina: Ibarra, Crisostomo Ibarra iyon ginoong Ben Zayb (pinalo ng pamaypay si Ben Zayb). Siyanga pala! Saan nga ba, Kapitan? May naiwan kayang bakas sa tubig?
(natahimik ang kapitan at napukol ang tingin ng lahat sa kanya)
Kapitan: Ayon sa kabo ng mga kawal na tumugis kay Ibarra, nang malapit na siyang masukol, ay tumalon at sumisid. Sinasabing may mga dalawang milya ang kanyang nalalangoy at sa minsang litaw ng ulo niya sa tubig ay inulan siya ng bala. Doon sa malayo ay nawala na siya sa kanilang paningin, ngunit ang tubig sa mga dakong iyon ay nagkulay-dugo. Ngayoy hustong labintatlong taon na ang nakakalipas simula nang iyan ay mangyari.
Ben Zayb: Kung gayon, ang kanyang bangkay ay...
Padre Sibyla: Nakasama sa bangkay ng kanyang ama!
Padre Salvi: Hindi bat isa rin siyang filibustero?
Ben Zayb: Iyan ang tinatawag na napakamurang paglilibing, hindi ba Padre Camorra?
Padre Camorra: (patawang sumagot) Lagi ko ngang nasasabi na ang mga filibustero ay hindi maaasahang magkaroon ng maringal na libing.
Ben Zayb: (nabaling ang pansin kay Simoun) Ngunit ano ang nangyayari sa inyo, Ginoong Simoun? Nahihilo ba kayo? Kayo pa naman na datihang manlalakbay! Kayo ba ay nalulula sa ganitong halos patak lang ng tubig ang laman?
Simoun: Okay lang ako, Ben Zayb. Salamat sa iyong pag alala.
Narrator: Hindi nagging maganda ang pakiramdam ni Simoun nang mabanggit ang pangalang Ibarra sapagkat naalala niya ang malupit na ginawa ng mga prayle sa kanya. Lumipas ang ilang araw  at sa tahanan ni Kabesang Tales ay makikita ang kalupitan ng mga kastila.

SCENE 4: TAHANAN NI KABESANG TALES

Tano: Ama, si Huli? Kailan kaya siya makakapunta nang Maynila upang mag-aral?
Huli: Kuya...
Kabesang Tales: Sa isang taon. Magsaya ka nang mahaba at mag-aaral ka na sa Maynilakatulad ng mga dalaga sa bayan.
Huli: Talaga ama?! (niyakap ang ama)
Tano: Alam mo ama iniisip na niya si Basilio sa mga oras na ito at ang pangako sa kanya nito na pakasal sa kanya...
Huli: (sinisiko-siko si Tano) Kuya naman...
(hinabol si Tano)
Kabesang Tales: Maganda ang ani natin ama... (bumuntong hininga)
Tata Selo: Maganda? Ngunit ano ang iyong ipinag-aalala?
Kabesang Tales: (naglakad upang tanawin ang lupain) Ang mga prayle ama... (bumuntong hininga)
Tata Selo: Magpaumanhin ka! Ipagpalagay mo na ang iyong salapi ay nahulog sa tubig at sinakmal ng malaking buwaya at ang kanyang mga kamag-anak ay sumama sa kanya.
Kabesang Tales: Ngunit ama sila ay umaabuso na!
Tata Selo: Magpaumanhin ka!
(dumating si Padre Camorra kasama si Padre Salvi at Guwardiya Civil)
Padre Camorra: Telesforo! Mabuti at nandito ka!
Kabesang Tales: Magandang araw, Padre. Bakit po naparito kayo?
Padre Camorra: Kailangan mo nang magbayad nang buwis! Ang buwis ay dalawandaang piso!
Kabesang Tales: Dalawandaang piso??!! Ngunit iyon ay napaka laki naman.
Padre Salvi: Kung hindi magbabayad ibigay sa iba ang tungkulin ng paglilinang dito...!
Padre Camorra: Tama! Kung hindi ka magbabayad ang lupain ay ipalilinang ko na lamang sa aking kasambahay. Matagal na din siyang naging tapat na maninilbihan sakin.
Kabesang Tales: Ako ang nag-hirap na mag-tanim at mag-ani dito. Ibinuhos ko ang pawis at dugo ko upang maiahon sa hirap ang pamilya ko.
Padre Camorra: Ngunit hindi sa iyo ang lupang nililinang mo!
Padre Salvi: Ito ay pag-aari ng korporasyon.
Kabesang Tales: Pag-aari?? May kasulatan ba kayo na nag-papatunay na sa inyo ang lupang ito??
Padre Camorra: Meron!!
Kabesang Tales: At nasaan naman iyon?
Padre Salvi: At bakit mo kailangan makita?
Kabesang Tales: Hindi ako magbabayad ni kalahati ng buwis hanggat wala akong nakikitang katibayan na inyo nga ang lupang ito.
Tata Selo: (bumulong sa anak) Anak huwag ka nang magmatigas...
Padre Camorra: Hindi bat tama ang iyong ama, Telesforo? Wala kang mahihita kung patuloy kang mag-mamatigas.
Kabesang Tales: Handa akong makipag-usapin maipag-laban lamang ang karapatan namin!! (bahagyang lumapit upang sugurin ang dalawang prayle)
(pinigilan ng mga Guwardiya Civil si Tales na sugurin ang mga prayle at tinutukan siya ng baril)
Padre Camorra: Qué barbaridad! Kunin ang anak na lalaki at gawing Guwardiya Civil
(pinalo ng baril ang ulo ni Tata Selo at hinila si Tano)
Huli: Bitiwan niyo siya! Ama!!
Kabesang Tales: Hindi!!! Wag ang aking anak!!
Tano: Ama!!! Huli!!! Aaahhh!!!!
Guwardiya Sibil: Limang daang piso ang hinihingi ng aming pinuno! Kung hindiy mamamatay ang iyong ama, binibini.
Huli: Saan ako kukuha ng limang daang piso? Ang mga alahas! Liban lamang itong Agnos. Handog ito sa akin ni Basilio! (hahalikan ang Agnos) (Isusuot ang Agnos) Ngunit itoy hindi sapat. Tama! Mamamasukan muna ako kay Hermana Penchang bilang utusan.

Narrator: Namasukan nga si Huli kay Hermana Penchang nang sa ganoon ay magkaroon siya ng perang pantubos kay Tano. Doon, naranasan ni Huli an medyo may pagkalupit na pakikitungo ni Hermana lalong lalo na sa tuwing nagdadasal sila.


SCENE 5: HERMANA PENCHANG

(Nagdadasal sina Hermana Penchang at Huli)
Hermana Penchang: (mabilis na dinadasal) Santo Dios Santo fuerte Santo inmortal Libranos señor de la peste Y de todo mal.
Huli: (nauutal-utal) Santo Dios Santo fuerte Santo inmortal Libranos señor de la peste Y de todo mal.
Hermana Penchang: (binatukan si Huli) Hay naku bata ka!!! Hindi ko alam kung ano ang itinuturo sa iyo sa bahay niyo at hindi ka marunong magdasal!! (mabilis na dinadasal) Santo Dios Santo fuerte Santo inmortal Libranos señor de la peste Y de todo mal.
Huli: Pasensya na po.
Hermana Penchang: Pasensya?!! Hay naku!! (mabilis na dinadasal) Santo Dios Santo fuerte Santo inmortal Libranos señor de la peste Y de todo mal. Sumagot ka nga!! (kinurot si Huli)
Huli: Aray aray... Opo... (nauutal-utal) Santo Dios Santo fuerte Santo inmortal Libranos señor de la peste Y de todo mal.
Hermana Penchang: Sabagay wala naman kasing babae sa bahay niyo!! (mabilis na dinadasal) Santo Dios Santo fuerte Santo inmortal Libranos señor de la peste Y de todo mal.
Huli: (nauutal-utal) Santo Dios Santo fuerte Santo inmortal Libranos señor de la peste Y de todo mal.
Hermana Penchang: Kapag hindi mo nakabisado ang dasal na iyan hindi ka patatawarin ng Diyos sa iyong mga kasalanan at hindi kita bibigyan ng pera bilang sahod mo. (mabilis na dinadasal) Santo Dios Santo fuerte Santo inmortal Libranos señor de la peste Y de todo mal.
Huli: Opo, Hermana. Kakabisaduhin ko po ito.

Narrator: Si Basilio naman na kasintahan ni Huli ay nagawi sa sementeryo kung saan nakalibing ang kanyang inang si Sisa at doon niya nakita si Simoun sa libingan ng kanyang ina. Siya ay nagtaka kung bakit ito nartito kung kaya ay nilapitan niya ito.

SCENE 6: SA SEMENTERYO

Basilio: (umikot sa isang puno at naupo sa tabi nito) Matagal na rin nang huling punta ko rito. Naaalala ko pa rin ang mga pangyayari, sariwa pa ang lahat sa aking isip. Parang kailan lang ang mga sakit na sinapit ko... (tumayo at napatingin sa isang ilaw na malapit) ano yon...? Si Ginoong Simoun! Ngunit anong ginagawa niya dito sa libingan ng aking ina?
(Nakita niya si Simoun na naghuhukay nang kung ano at may katabing isang malaking kahon.)
Basilio: Hindi ko po kaya kayo matutulungan, ginoo?
(Gulat na liningon ni Simoun ang tinig at may kung anong huhugutin sa bulsa..)
Simoun: Anong ginagawa mo sa gubat na ito?
Basilio: Kung inyo pong magugunita, sa mismong pook ding ito tayo nagtagpo may labing tatlong taon na ang nakakaraan. Sa aking palagay kayo po ang naghandog sa akin ng isang pakikiramay, ikaliligaya ko kung akoy makatutulong naman sa inyo.
(Kinasa ang rebolber at itinutok kay Basilio.)
Simoun: At sa tingin moy sino ako? (humakbang paurong)
Basilio: Isang taong ipinalalagay kong napakadakila.
Simoun: Basilio, nakababatid ka ng isang lihim na maaring ikasawi ko at ngayon ay nakatuklas ng isa pa na kung mabunyag ay makakasira ng aking layunin.  Ikaw at ako ay kapwa uhaw sa katarungan kung kayat sa halip na tayo ay magpatayan ay kailangan tayong magtulungan.
(nakikinig lamang si Basilio)
Simoun: Dahil sa kasamaan ng mga nagsisipamahala ay nagbalik ako sa ilalim ng balatkayong mangangalakal. Isang nakamamatay na lihim ang iyong nalaman. Isang lihim na maaari mong ikapahamak. Hindi mo ba naisip na dahil dito ay maaari kang masawi sa aking kamay?
Basilio: Ano ang nais ninyong gawin ko Ginoong Simoun? Kaya ko ba silang ipaglaban gayong ako mismo ay wala! Isa lamang akong hamak na estudyante, wala sa buhay. Hindi maaaring hukayin ang aking ina at iharap sa hukuman ang kanyanng bangkay at pagkatapos ay mangbintang nang kung sino-sinong kastila.
(Pagkatapos nito ay umalis ng payapa si Basilio. Nanatili si Simoun sa kanyang kinatatayuan.)
Simoun: Tama kaya ang aking ginawa? Bahala na! Mamamatay ang mahihina at matitira ang mga malalakas! Kaunting pagtitiis na lang, malapit na akong magtagumpay. Kaunting tiis na lang.

Narrator: Nang araw na sumunod, sa kabila ng pagtataka  ng lahat, ay nakituloy sa bahay ni Kabisang Tales ang mag aalahas na si Simoun. Si Kabesang Tales, sa kabila ng paghihirap ay hindi pa rin nakalimutan ang magandang kaugaliang Pilipino kayat hindi magkantuto sa pagtanggap sa panauhing dayuhan.

SCENE 7: SA BAHAY NI KABESANG TALES

Simoun: (kinuha ang isang kwintas at inangat) Mayroon akong kwintas dito na dati ay kay Cleopatra. Natagpuan ito sa mga pirámide. Mayroon di akong mga singsing na dati ay pag-aari ng mga mambabatas na Romano na natagpuan sa labi ng guho sa Cartago
Sinang: Aayyy! Ang gaganda! (kinurot ni Kapitana Tika si Sinang) Aray! Inay naman
(Sa kalayuan ay nakatanaw si Kabesang Tales)
Simoun: Tingnan ninyo, (pilit na ipinatatanaw niya kay Kabesang Tales) ang isa lamang sa mga asul na batong ito, na parang walang malay, at matahimik, malilinis na tila bituing nagmumula sa kalangitan, kapag nairegalo sa tamang tao sa tamang pagkakataon, ang isang tao ay nakatitiyak na ng pagkabilanggo ng kanyang kaaway, ang ama ng isang pamilya na nanggulo sa kapayapaan ng lahat. (Lumapit kay Kabesang Tales) Kayo wala ba kayong maipagbibili?
Kabesang Tales: Ang lahat ng alahas ng aking anak ay naipagbili na at ang natira ay wala nang gaanong halaga.
Sinang: At ang Agnos ni Maria Clara?
Kabesang Tales: Tama!
Sinang: Iyon ay isang laket na may brilyante at esmeralda, isinuot iyon ng matalik kong kaibigan bago siya nagmongha.
(Sinundan lamang ni Simoun ng tingin ang palakad-lakad na si Kabesang Tales)
Simoun: Ibig ko ang disenyo. Magkano mo ipagbibili? (hindi umimik si Kabesang Tales) Nagustuhan ko, ipagbibili mo ba ito ng limandaang piso? O ibig mong ipagpalit ng ibang hiyas? Pumili ka.... (tahimik parin) Limandaang piso? Limandaan!
(kinuha ni Kabesang Tales ang laket at tinignan)
Hermana Penchang: (lumapit upang tignan ang kwintas) Kung akoy itatago ko na lang iyang parang relikya. Ang mga nakakita kay Maria Clara sa kumbento ay nagsasabing siyay payat na payat na, mahina at halos hindi na makapagsalita kayat ipinagpapalagay ng lahat na siyay mamamatay na Santa. Mataas ang pagtingin sa kanya ni Padre Salvi, siya ang padre compesor niya. Marahil iyon ang dahilan kung bakit ayaw ipagbili ni Huli ang agnos at pinili pa niyang isanla ang kanyang sarili.
Kabesang Tales: Kung tutulutan ninyo ako ay pupunta lamang ako sa bayan upang isangguni sa aking anak . Babalik ako bago dumilim.
(at umalis nga si Kabesang Tales)

Narrator: Umalis nga si Kabesang Tales upang isangguni muna kay Huli ang tungkol sa pagbinta ng kwintas. Lumipas ang ilang mga araw at sa lugar nila ay nagkaroon ng munting pagtipon tipon ang mga estudyante ukol sa balak nilang pagtayo ng Akademya ng Wikang Kastila. Sila ay sumangguni kay Ginoong Pasta na isang abogado kung ano ba ang mga nararapat gawin at para na rin matulungan sila na mapatayo ito. Ngunit sa kasawiang palad ay hindi sila nagging matagumpay. Si Don Custodio na isa sa lumabag sa kagustuhan nila ay nagpunta sa isang liwaliwan at doon ibunuhos ang kanyang oras.

SCENE 8: DON CUSTODIO AT PEPAY

(Nakaupo si Don Custodio at naghihintay)
Don Custodio: (tingin ng tingin sa paligid at sa relo) Napaka tagal naman
 (sasayaw si Pepay sa gilid)
(mapapalingon si Don Custodio at pinag-papawisan)
Pepay: ( Lalapit kay Don Custodio na para bang nang aakit) Custodoni..... Custodoni...!!! (ihihipan ang tenga ni Don Custodio)
Don Custodio: Pumunta lamang ako dito upang sabihing huwag muna tayo magkita... nagkakagulo ang mga estudyante ngayon at baka akoy paman-manan.
Pepay: Custodoni.. ikaw naman eh...
(Naka upo sila. Lalayo si Custodio, lalapit si Pepay hanggang sa tumayo si Custodio at mahulog si Pepay sa upuan)
Pepay: (tatayo agad) Custodoni naman eh... pahalik nga... sige na! (Hinila si Don Custodio at kumandong)
Don Custodio: Ano ka ba baka naman may makakita sa atin (kunwari pa pero yayapusin din si Pepay)
Pepay: Custodoni... alam mo kasi namatay ang aking tiyahin at kailangan namin ng pampalibing...
Don Custodio: O, siya sige. Sabi ko na nga ba. Pera nga talaga ang pakay mo. O, eto..(binigay ang pera.) Basta, wag muna tayong magkita dahil nagkakagulo na.
Pepay: Salamat Custodoni. (Sabay halik sa pisngi)

SCENE 8: QUIROGA

Simoun: Ano Quiroga? Kamusta ang iyong negosyo?
Quiroga: Ah, Sinyo Simoun, mahilap! Mahilap na an akien negosyo!
Simoun: Sukat na ang daing, Quiroga, iniligtas kita sa maraming opisyal na humihingi sa iyo ng pero! Pinautang ko sila upang ikaw ay hina bagabagin!
Quiroga: Pelo, Sinyo Simoun, malami ang may utang sa akien na di ko na masingil. Wala din migay sa akien lisibo kaya hiende niyo sila masisingil din.
Simoun: Kung gayoy ilapit mo na lang sila sa akin. Halikat sa silid tayo magusap. Kailangan kong maipasok ang ilang kahon ng mga baril at itago sa kamalig!
Quiroga: Mapanganib iyon sinyo simoun!
Simoun: Hindi ka manganganib bahagyaman! Ang mga baril na iyon ay unti-unting itatago sa mga bahay-bahay, pagkatapos ay gagawin ang paghahalughog at marami ang makukulong sa bilangguan! Ngayon ikaw at ako ang makikinabang ng malaki sa pagsisikap na mapalaya ang mga bilanggo- nauunawaan mo ba ko Quiroga?
Quiroga: Siya siya.. Basta huli malami tao, hah, sinyo Simoun..

Narrator: Pagkatapos ng pag uusap nina Simoun at Quiroga ay nagyaya si Simoun patungong peryahan upang mapatunayan kung mayroon ngang ulong nagsasalita na pinag uusapan nila. Hindi magkamayaw sa perya. Magkahalo ang ingay ng mga taong walang tigil ng kalalakad at ng musikang likha ng ibat ibang instrument. Walang pagsidlan ng tuwa si Padre Camorra. Sa dami ng magagandang dalaga na kanyang nakikita, ninais n asana niya ang maging kura paroko ng Quiapo.

SCENE 9: SA PERYA NG QUIAPO

Ben Zayb: Aray!
Padre Camorra: Napakaganda ng binibining iyan! Hindi mo ba nakita? Ang ganda niya!
(kinurot kurot ang braso ni Ben Zayb)
Ben Zayb: Oo! Nakita ko! Tigilan mo na nga yan Padre! Nakakasakit ka na  ha! (kinuha ang kamay ng Padre)
Padre Camorra: Buti talaga at nakarating tayo sa lugar na ito, Ben Zayb! Tumingin ka sa dako roon! (may tinuturo)
Ben Zayb: Padre naman! Aray! Ano ba?! (kinurot ang kanyang tiyan)
Padre Camorra: Tingnan mo ang binibining paparating! Napakaganda! Para akong nakakita ng tala sa gabing madilim! Ubod ng ganda!
Ben Zayb: Siya si Paulita Gomez. Siya ay pamangkin ni Donya Victorina.
Padre Camorra: Halika! Puntahan natin!

Narrator: Ipinapatuloy nga nila ang kanilang pamamasyal sa peryahan at doon nila natuklasan na puro pandaraya lang pala ang mga mahika doon lalo na ang ulong nagsasalita kung kaya ipinagbawal na ng mga prayle ang mga ganoong tanawin sa perya. Lumipas ang mga araw at binisita ni Simoun si kapitan Basilio.

SCENE 10: KAPITAN TIAGO

Simoun: Kamusta na si Kapitan Tiago?
Basilio: Mahina na ang  pulso, walang ganang kumain. Kumalat na nang tuluyan ang lason sa kanyang katawan.
Simoun: Parang Pilipinas, habang tumatagal, lalong humihina. Napansin kong hindi mo binabasa ang librong ibinigay ko sa iyo. Wala kang pagmamahal sa bayan. Sa loob lamang ng isang oras, magsismula na ang himagsikan, at bukas ay wala nang mga unibersidad, wala ng mga mag-aaral at magpapahirap. Naparito ako dahil sa dalawang bagay: ang kamatayan mo o ang iyong kinabukasan. Sa panig ng umaapi sa iyo o sa panig ng iyong bayan?
Basilio: Sa panig ng umaapi o sa panig ng inaapi? Hindi ko alam.
Simoun: Magpasya ka! Kailangan mo nag mag-desisyon, dahil ako ang namumuno sa pagkakagulo. Ipakikiusap ko sayo na samantalahin mo ang pagkakataon. Pamahalaan mo ang isang hukbo at lubusin ninyo ang Sta. Clara. Kukunin mo ang isang taong tanging ikaw lamang ang nakakakilala bukod kay Kapitan Tiago, si Maria Clara.
Basilio: Huli na kayo!
Simoun: Anong ibig mong sabihin?
Basilio: Si Maria Clara ay patay na!
Simoun: Patay? Hindi! Papaanong nangyari ito?
Basilio: Ika-anim ng hapon nang siya ay mamatay. Naparoon ako sa kumbento upang makibalita nang sabihin nila sa akin ang lahat. Pagbalik ko ay isang liham mula kay Padre Salvi na ipinaaabot kay Kapitan Tiago ang dala ni Padre Irene. At dahil na rin sa sulat na ito kung kayat nanangis ang Kapitan.
Simoun: Hindi maaari ito! Hindi pa siya patay! Buahy pa si Maria Clara! Ililigtas ko siya ngayon!
Basilio: Ginoong Simoun, huminahon kayo. Wala na tayong magagawa liban sa tanggapin ang katotohanan.
Simoun: Namatay siya nang hindi man lamang nalalamang akoy buhay! Namatay siya nang hindi nalalaman na akoy nagbalik para sa kanya!

Narrator: Doon nalaman ni Simoun na patay na pala ang babaing kanyang iniibig. Parang gumuho ang lahat lahat sa kanya. Ngunit, sa kabila nito, lalong nagkaroon siya ng lakas ng loob para maghiganti sa mga taong nang api sa kanila. Tuluyan na nga niyang isasagawa ang kanyang plano. Samantala, si Isagani naman na lubos na umiibig kay Paulita ang naghintay sa kanyang iniirog. Kahit kumalat na ang dilim sa kapaligiran ay nandoon pa rin siya sa lugar na kanilang pinagtatagpuan.

SCENE 11: ISAGANI

(Nakaupo si Isagani sa isang medyo tagong bangko)
(dumaan sina Paulita, Juanito at Doña Victorina)
Doña Victorina: (nakakapit kay Juanito) kay ganda ng gabi... hindi ba Juanito... kay sarap maglakad sa ilalim ng buwan. Kung sanay... (lumapit kay Isagani at pinalo ng pamaypay) Hoy binata! Ano na ang balita sa esposo kong si Tiburcio Pilantod! Hindi bat ikaw ang nahilingan kong humanap sa kanya. Baka alam ng tiyuhin mo kung nasaan ito! Abay sabihin niyo na kung buhay pa siya o patay na... nang makapag asawa na muli ako
Isagani: Paumanhin señora ngunit wala pa rin po kaming balita tungkol sa inyong asawa (galit na nakatingin kay Juanito at Paulita)
Paulita: Siya nga naman tiya. Bigyan niyo pa ng oras si Isagani na kayoy matulungan. Siya nga pala tiya mauna na kayo ni Juanito kung maaari sapagkat nahulog ko yata ang aking abaniko (tinatago lang sa likod)
Doña Victorina: (pilit na sinisilip kung ano ang nasa likod ni Paulita) Mabuti pa siguro at mauna na nga kami.
Isagani: At bakit kasama mo na naman ang binatang iyon? Napapansin kong madalas kayong lumabas ng magkasama, tila may hindi ka sinasabi sa akin. (tatalikod sa kasintahan at uupo sa bench)
Paulita: (aamuhin ang nobyo) Nagseselos ka ba mahal ko? Hindi ko naman nais na lagi siyang makasama. Ngunit si lagi siyang iniimbitahan ni Tiya Torina sa tuwing kamiy lalabas. (uupo sa tabi ni Isagani) Huwag ka nang magtampo sige na.... Gumawa naman ako nang paraan para tayoy mapag-isa hindi ba? Upang makasama ka kahit saglit lang ay nagawa kong magsinungaling kay Tiya Torina.
(tatayo si Isagani ngunit nakatalikod pa rin kay Paulita)
Paulita: (siya naman ang tatayo at nakatalikod sa nobyo) Ikaw nga eh! Kanina ko pa napupuna na pinag-mamasdan mo ang isang dalagang Pranses.
(lalapit si Isagani na akmang magsasalita ngunit tumalikod din nang mapansing paharap na ang kasintahan)
Isagani: Huwag mong ipasa sa akin ang sisi... at hindi ko alam ang sinasabi mo tungkol sa Pranses na dalaga.
(lumingon si Paulita ngunit tumalikod din nang mapansing paharap na ang kasintahan)
Paulita: Kung gayon ay ako pala ang mali...
Isagani: (lalapit at yayakapin ang nobya) Paulita alam mo namang para sa iyo lamang ang aking mga mata. (haharap si Paulita holding hands at eye to eye) Ikaw lamang ang pinakananais nitong masdan at titigan. Alam mo namang simula ng makilala kita ay ikaw na ang pinakamaganda sa aking paningin na noon ay sa bayan ko lang inuukol. Ngayon ay masasabi kong kulang ang ganda ng aking bayan kung wala ang iyong kagandahan. Darating ang panahon at magiging malaya na ang Pilipinas at pagdating ng panahong iyon saka lamang makukumpleto ang aking kaligayahan at mga pangarap.
Paulita: Pangarap! Pangarap! Sinabi ni Tiya Torina na lagi raw alipin ang bayang ito.
(bumalik na si Juanito at Doña Victorina)
Donya Victorina: Halika na, Paulita at baka sipunin ka! Tigilan mo na ang pakikipag usap sa Indiong ito!

Narrator: Walang nagawa si Paulita kundi ang sumama sa kanyang tiyahin. Sapat na para kay Isagani na makasama niya si Paulita kahit sa maikling sandali. Masakit man sa kanya na ikakasal na ito sa ibang lalaki ngunit wala siyang magagawa. Sa isang pansiterya naman na nagngangalang Pansiteria Macanista de Buen Gusto, ang mga estudyante ay nagtipon-tipon dahil sa pare-pareho silang masasama ang loob pagkat silay nabigo sa kanilang panukala ukol sa pagtatatag ng Akademya ng Wikang Kastila.

SCENE  12: SA PANSITIRYA

Lahat ng mga estudyante: Luwalhati kay Don Custodio sa kaitaasan at pansit sa lupa sa mga binatang may magagandang kalooban!
Sandoval: Bakit hindi pinaburan ni Don Custodio ang ating hiling?
Macaraig: Walang nakakaalam niyan.
Juanito: Dibat marami na siyang tagumpay? Bakit tayoy hindi man lamang niya hinayaang magtagumpay? Mabuti naman ang ating layunin.
(Nang biglang dumating si Tadeo; si Sandoval ay kumakain.)
Tadeo: Alam niyo na ba? Ang mag-aalahas na si Simoun ay ginulpi ng mga di nakilalang mga tao. At ayaw daw nitong magsalita! Marahil ay nagbabalak maghiganti. Sabi ng ilan sa bayan, mga prayle daw ang may kagagawan.
Sandoval: sino ba naman sa atin ang may interes sa nangyari sa mag-aalahas na walang ibang nais kundi samsamin ang mga salapi ng mga Pilipino. Tena kayo! Ang sarap ng mga pagkain.
(Hindi pa nagtatagal nang dumating si Isagani)
Macaraig: Mabuti at nakarating ka. Si Juanito na lang pala ang wala.
Tadeo: Sanay si Basilio na lang an gating inanyayahan sa halip na si Juanito. Mukhang wala itong balak pumunta.
Sandoval: Oo nga naman. Bakit nga ba hindi na lamang si Basilio an gating inanyayahan?
Tadeo: Isa pa, kapag nalasing natin si Basilio ay maaari pa tayong makakuha nang ilang detalye tungkol sa isang bata at isang mongha na nawawala.
(Lumipas ang ilang minuto nang kanilang paghihintay kay Juanito ay wala pa ito. Kaya minabuti na nilang kumain. Habang nagkakainan ay nagkatuwaan ang mga mag-aaral.)
Tadeo: Para kay Don Custodio ang panukalang sopas.
Sandoval: Kay Padre Irene naman ang lumpiang shanghai at ang tortang alimango ay sa mga prayle.
Macaraig: Pansit guisado naman para sa bayan. Dahil katulad nang pansit ng mga Intsik, tayo ang tumatangkilik pero sila ng nakikinabang! Tulad ng ating pamahalaan ngayon.
Isagani: Hindi! Dapat ialay ang pansit kay Quiroga, isa sa pinaka-makapangyarihang tao sa Pilinas!
Sandoval: Dapat ay sa Eminencia Negra, kay Simoun!
(at nagpatuloy ang kasiyahan )

Narrator: (Insert)

SCENE 13: NAKULONG SI BASILIO

Juli: Ano ang wika ninyo Hermana Bali? DInakip si Basilio?
Hermana Bali: Oo Juli! Nakabilanggo siya ngayon kasama ng ibang mga estudyante!
Juli: Hindi! Si Kapitan Tiyago naman ay patay na! Sino pa ang nalalabing tutulong kay Basilio? Sino!
Hermana Bali: Si Padre Camorra, hindi ba siya ang nagpalaya sa iyong Lolo Selo?
Hingan mo siyang muli ng tulong! Tiyak na mapapalaya niya si Basilio!
Juli: Diyos ko! Tulungan mo po si Basilio!
Padre Camorra: Juli!
Juli: Kailangan kop o ang inyong tulong Padre Camorra! Tungkol po ito kay Basilio!
Padre Camorra: Aking tutuparin kung akoy iyong pagbibigyan.
(Babatuhin ng bote ni Hermana Bati si Padre Camorra at sasampalin ito ng Padre at makakatakas si Juli paakyat sa kumbento at tatalon sa bintana ng kumbento.)

Narrator: Si Juli ay naghanap ng paraan upang makalaya si Basilio at hindi siya nabigo. Ginawa nga niya ang lahat para sa lalaking kanyang iniibig. Patuloy na lumipas ang mga araw at dumating na nga ang araw ng kasal ni Paulita at Isagani. Sa araw ding ito ay isasagawa ang maitim na balak ni Simoun. Agad na tinungo ni Basilio ang bahay ni Simoun

SCENE 14: ANG PAGSASAGAWA NG PLANO

Basilio: Isa akong masamang anak at kapatid G. Simoun. Nakalimutan kong piñata ang aking kapatid at pinahirapan ang aking ina. Ngayoy pinaparusahan ako ng Diyos. Wala na akong nararamdaman kundi galit at paghihiganti.
(Hindi kimubo si Simoun.)
Basilio: kahit noong may himagsikan ay hindi ako nakialam. Nabigo sila at akoy nakulang kahit wala akong kasalanan. Iyon ang parusa sa akin. Narito ako sa labas nang dahil sa inyo. Ngayon, handa na ako. Handa ko nang ipagtanggol ang bayan.
Simoun: Nabigo ang kilusan ng dahil na rin sa akin. Urong-sulong ang aking mga desisyon, dahil umiibig pa ako noon. Ngayong patay na ang aking puso wala ng dahilan para umatras. Pareho na tayo ngayon. At sa tulong mo akoy magtatagumpay. Magsasabog ako ng kamatayan sa gitna ng bango at rangya, ikaw namay gigising sa mga kabataan sa gitna ng dugo.
(Isinama ni Simoun si Basilio sa loob ng kanyang laboratory. Ipinakita niya dito ang kanyang mga gamit at eksperimento sa kemika. Sa loob ng laboratoryo ay makikita ang isang lampara na may kakaibang hugis.)
Basilio: Para saan naman po ang lamparang iyan?
Simoun: Hintayin mo.
(Pagkaraan ay inilabas ni Simoun ang isang lalagyan na may nakasulat na nitrogliserina, isang pormula na ginagamit sa paggawa ng dinamita.)
Basilio: Dinamita!
Simoun: Oo, ngunit hindi ito basta-basta dinamita. Ito ang mga kasawiang naimbak, mga kagagawang walang katwiran at mapang-api. Ngayong gabi, makakarinig ng pagsabog ang Pilipinas at mapaparusahan ang mga makasalanang hindi magawang parusahan!
(Ipinagpatuloy ni Simoun ang ginagawa.)
Simoun: Mamayang gabi ay magkakaroon ng pista. Ilalagay ang lamparang ito sa gitna ng handaan. Napakaningning nang liwanag na ibibigay nito, ngunit pansamantala lang. pagkaraan ng dalawampung minuto, mawawala ang ilaw ng lampara. Kapag inayos ang mitsa, sasabog ang bomba!
Basilio: Kung gayoy hindi na pala ninyo ako kailangan.
Simoun: Iba ang iyong gagawin. Pagkarinig ng putok ay lalabas ang mga artilyero at iba pang kinasundo ko noon. Pupunta ang lahat sa lugar na kinaroroonan ni Kabesang Tales sa Sta. Mesa. Sabay-sabay na susugod ang lahat. Magkakagulo at ang mga mamamayan ay nanaisin na ring lumaban. Ikaw ang mamumuno sa iba. Dalhin mo sila sa bahay ni Quiroga dahil doon nakaimbak ang mga baril at pulbura. Kami naman ni Kabesang Tales ay susubukang agawin ang tulay. Mamamatay ang lahat ng mahihina! Ang lahat ng hindi handa!
Basilio: Lahat? Kahit ang mga walang laban?
Simoun: Oo! Lahat! Lahat ng Indio, Mestiso, Intsik, Kastilang duwag! Kailangang magsimula muli. Mula sa mga dugong dadanak ay sisibol ang bagong lahi! Isang bagong lipunan na kahit kailan ay hindi na magpapa-api!
Basilio: At ano na lang ang sasabihin ng mundo sa gagawin nating ito?
Simoun: Pupurihin tayo ng daigdaig!
Basilio: Ano nga naman ang aking pakialam! Bakit ko kailangang isipin kung pupurihin nila ito o hindi? Bakit ko kailangang linagpin ang mundong kalian man ay hindi lumingap sa akin!
Simoun: Tama ka!
(Inabot ni Simoun ang isang rebolber kay Basilio.)
Simoun: Hintayin ninyo ako sa tapat ng simbahan ng San Agustin, ika-10 ng gabi. Lumayo kayo sa Daann Analogue sa alas-nuwebe.
Basilio: Kung gayoy magkita na lamang tayo mamaya.
(At tuluyan nang umalis si Basilio.)

Narrator: Nang sumapit ang alas-siyete na ng gabi, nagsimula nang dagsain ng mga panauhin ang bahay ni Kapitan Tiago, na pagdadausan ng kasal nila Paulita at Juanito. Ang pagdating ng Kapitan Heneral na lamang ang hinihintay upang magsimula ang pista. Sa harap ng bahay ay naroon si Basilio at nagmamasid.

SCENE 15: ANG KASAL

Basilio: Si Paulita ay ikakasal na pala kay Juanito Pelaez! Kaawa-awang Isagani! Ang dami palang mamamatay sa pagsabog na magaganap. Kaawa-awa naman sila. Payuhan ko na lamang kaya ang ilan na umalis upang hindi madamay.
(Papalapit na siya sa bahay.)
Basilio: Hindi! Ano naman ngayon sa akin kung mamamatay sila! Hindi ko dapat sirain ang pagtitiwala niya. Siya ang naglibing sa aking ina at ang mga tao sa loob ng pumatay! Sinubukan kong kalimutan ang lahat! Magpatawad, pero ang lahat ay may hangganan din!

(Nakita niya ang pagdating ni Simoun dala ang lampara.Pagdating ng Kapitan Heneral ay isa si Simoun sa sumalubong. Kinilabutan bigla si Basilio. Nakita niyang pinaligiran ng mga taong mangha sa liwanag na binibigay ng lampara.)

Simoun: Ito ang handog ko sa bagong kasal!
Paulita Gomez: Napakagandang ilawan!
Juanito Pelaez: Maraming Salamat Don Simoun.
Paulita Gomez: Maaari nab a naming itong magamit?
Simoun: oo, bakit hindi? Ilagay ninyo roon sa kainan.

(aalis si Simoun)

Basilio: Hindi sila dapat madamay!
(Pumunta si Basilio sa pintuan at sinubukang pumasok.)
Basilio: Papasukin nyo ako! Ililigtas ko sila!
Tanod: Hindi ka maaaring pumasok dito! Tignan mo nga iyong suot!
Basilio: Papasukin ninyo ako!
(Nakita ni Simoun si Basilio. Bigla itong namutla sa kaba. Bigla itong umalis.)
Simoun: Tayo na sa Escolta, madali!
(At tuluyan nangnumalis si Simoun)
Basilio: Ililigtas na niya ang kanyang sarili. Dapat na rin akong umalis.
(Nagsimulang lumakad palayo si Basilio. Kanyang nakasalubong si Isagani sa daan, patungo sa pista.)
Isagani: Anong ginagawa mo dito?
Basilio: Isagani! Tara na! umalis na tayo dito!
Isagani: Bakit ka aalis? Puntahan natin siya. Iba na siya bukas. Ibig ko siyang makita.
Basilio: Gusto mo na bang mamatay?
Isagani: Hindi ko alam.
Basilio: Makinig ka! Ang lampara sa loob ay may lamang pulbura! Sasabog iyon ano mang oras ngayon! Tara na!
Isagani: Bukas ay iba na siya.
Basilio: Kaawaan ka ng Diyos.

Narrator: At iniwan ni Basilio ang kaibigan upang iligtas ang sarili. Sa loob ng bahay ay nagkakainan na ang mga bisita nang may nakita silang papel.

SCENE 16: ANG LAMPARA

Kapitan Heneral: Nakasulat dito, Mane thecel, pares Crisostomo Ibarra.
Ben Zayb: Isang biro lang iyan!
Donya Victorina: Hindi magandang biro! Isang pagbabanta mula sa isang taong matagal nang namayapa!
(Binasa ni Padre Salvi ang liham.)
Padre Salvi: Si Ibarra! Siya ang nagsulat nito! Sulat kamay niya ito!
Kapitan Heneral: Ituloy ang kasiyahan! Walang dapat ipangamba. Walang kwenta ang ganyang biro.
Don Custodio: Hindi kaya nais niya tayong patayin lahat?
(Hindi kumibo ang lahat. Nang biglang mamatay ang ilaw sa lampara.)
Kapitan Heneral: Padre Irene, pakitaas na lamang ang mitsa.
Padre Irene: Isang saglit lamang.
(Bago pa man makatayo si Parde Irene, isang anino ang lumapit at kumuha sa lampara.)
Padre Irene: Magnanakaw! Habulin ninyo ang magnanakaw!
(Dumiretso ang magnanakaw sa asotea ng bahay at tumalon sa ilog kasama ang lampara. Ilang saglit pa ay, isang nakagigimbal na pagsabog ang narinig.)

Narrator: Napag - alaman ng lahat na si Simoun ang may kagagawan ng lahat. Hinalughog ang kanyang bahay at nakita dito ang ilang armas at bulbura. Pinaghahanap na siya ng mga sibil. Ayaw niyang magpahuli ng buhay kaya uminom siya ng lason at nagtungo kay Padre Florentino upang mangumpisal.

SCENE 17: ANG KASAWIAN

Padre Florentino: Masama ba ang inyong pakiramdam?
Simoun: Wala ito Padre, mawawala din ang lahat pagkaraan ng ilang sandali. Anumang oras ay tatalab na ang lason sa aking katawan.
Padre Florentino: Diyos ko!
Simoun: Huwag kayong matakot. Lumalalim na ang gabi. Nais kong ilahad sa inyo ang aking lihim. Maaari mo bang sabihin sa akin kung totoong may Diyos?
Padre Florentino: Kahit saan tayo nagtungo nariyan ang Diyos.
Simoun: Padre, ayokong mamatay ng may dalang kasamaan! Ako si Crisostomo Ibarra, na malaon nang ipinapalagay na patay. Noong araw, pagkatapos kong mag-aral sa Europa ay umuwi ako rito upang pakasalan ang babaeng iniibig kong si Maria Clara. Ngunit itoy hindi natupad.
Padre Florentino: Patawarin ka ng Diyos, anak. Alam niyang hindi mo ginusto ang lahat, na ikaw ay nasilaw lamang ng galit at paghihiganti. Kagustuhan Niyang lahat nang nangyari. Hindi nagtagumpay ang iyong plano nang dahil sa Kanya. Sapagkat alam Niyang hindi ito tama. Igalang natin ang Kanyang kapasyahan.
Simoun: Palagay niyo po ba ay Diyos ang nagkaloob ng lahat ng ito?
Padre Florentino: Walang makakapagsabi ng iniisip ng Diyos, ngunit kalian man ay hindi Siya naghangad ng masama para sa atin.
Simoun: Kung gayon, bakit hindi Niya ako tinulungan?
Padre Florentino: Sapagkat mali ang iyong pamamaraan. Pag-ibig lang ang nakakagawa ng dakila.
Simoun: Bakit ako ang pinarurusahan at hindi ang mga masasamang namamahala na walang dulot kundi kasamaan?
Padre Florentino: kailangang alugin ang lalagyan para humalimuyak ang bango.
(Nagpatuloy sa pagkukumpisal si Simoun kay Padre Florentino. Hanggang sa pinisil ni Simoun ang kamay ng pari.)
Simoun: Maraming salamat Padre, ngayon ay payapa na ang aking kalooban.
(Muling pinisil ni Simoun ang kamay ni Padre Florentino at tuluyan itong nawala sa pagkakahawak. Kinuha ni Padre Florentino ang kayamanan ni Simoun at nagtungno sa talampas. Inihagis ni Padre Florentino ang kaymanan ni Simoun sa karagatan.
Padre Florentino: Malibing ka nawa sa kailaliman ng dagat ngunit kung kakailanganin ka ng tao para sa isang marangal na hangarin, ipahintulot ng Diyos na matuklasan ka sa sinapupunan ng alon. Pansamantala, diyan ka muna, hindi makababaluktot ng katwiran, hindi mag-uudyok ng kasakiman.

Narrator: At tuluyan ngang nasawi si Simoun na ang tunay na katauhan ay Crisostomo Ibarra.
Dahil sa kanyang galit sa mga taong umapi sa kanilang bayan, puro galit at poot ang namayani sa kanyang dibdib at ito ang nagdala sa kanya sa kasawian.

Conclusion: This novel made by Dr. Jose Rizal is a continuation of his first novel Noli Me Tangere. It has a little humor, less idealism, and less romance than the Noli Me Tangere. It is revolutionary for its plot is more on vengeance and it has a tragic ending. Dr. Jose Rizal made this novel so that Filipinos will be enlightened on the situations during the Spanish Tyranny. This brought danger in his life so with his family for the friars and the Spanish government were against of the contents of this novel. However, this novel really brought a big impact to the Filipinos especially to our Motherland.