Problemang Kurapsiyon
Times New Roman /12
Ika- 21 ng Setyembre, 2015
Juliet A. Origenes
Kurapsiyon, problemang seryoso’t nakaaalerto
Isa sa matinding problemang kinakaharap ng
bansang Pilipinas ay ang kurapsiyon. Ang kurapsiyon ay isang sistema na kung saan
ang pondo o perang nararapat na ibahagi sa mga tao ay napupunta lamang sa mga bulsa
ng mga tiwaling opisyal ng gobyerno. Ang mga paraan ng kurapsiyon na nangyayari
sa bansa ay ang pagnanakaw ng pondo, paglustay ng salapi, panunuhol at maging
ang mga kasunduan sa likod ng mga mamamayan. Ang pulitika ang ugat ng
kurapsiyon. Sa katotohang nauukol sa mundo ng pulitika ay sa halip na pagbabago
ang pagtuunan ng pansin ay ito ang naging hudyat sa pag-usbong ng mga kurakot
na opisyales ng pamahalaan.
Hindi maipagkakaila na ang ganitong problema
ay nakakaalerto’t nakakaalarma. Bilang isang mamamayang Pilipino dapat lang na
malaman natin kung saan naapupunta ang pondong karapat-dapat na maibahagi sa
atin dahil isa ito sa mga dahilan kung bakit mayroong kakulangan sa
pampublikong pasilidad kagaya nalang ng mga kagamitan sa mga ospital at maging
sa mga pampublikong paaralan. Dahil kung iisipin nating mabuti isa ito sa mga dahilan kung bakit nabibilang tayo
sa mga bansang mahihirap.
Sa katunayan, ayon sa World Bank ang 40% ng
pondo ng gobyerno ay napupunta lamang sa mga bulsa ng mga tiwaling mga opisyal
ng bansa. Sa aking pananaliksik, ayon sa Ombudsman’s Finance and Management
Information Office, ang kabuuang 3,852 kaso ng kurapsiyon ay inihain laban sa
mga opisyal ng lokal na pamahalaan sa taong 2011. Sa mga ito, ang 633 ay
inihain sa Luzon, 600 sa Visayas at 544 sa Mindano.
Ang Philippine National Police (PNP) ang
pumapangalawa sa dami ng mga kasong inihain laban dito at kabilang din ang mga
sumusunod na kagawaran: Kagawaran ng Edukasyon (562 kaso), Philippine
Information Agency (490 kaso), Kawanihan ng Rentas Internas (416 kaso), Sandatahang
Lakas ng Pilipinas (304 kaso), Kawanihan ng Adwana (177 kaso), Kagawaran ng
Kapaligiran at Likas na Yaman (155 kaso), Kagawaran ng Kagalingang Panlipunan
at Pagpapaunlad (148 kaso), Kagawaran ng Katarungan (98 kaso). Noong
2012, ang Pilipinas ay may ranggong 105 na may 3.4 Consumer Price Index sa
talaan ng Transparency International na rumaranggo ng 176 mga bansa at
teritoryo batay sa kung gaano silang katiwali ang mga opisyal ayon sa publikong
sektor. Ang Pilipinas ay kahanay na ng mga bansang Algeria, Armenia, Bolivia,
Gambia, Kosovo, Mali, at Mexico.
Ang kurapsiyon ay maituturing na sakit ng
lipunan. Sa halip na ang mga pondo ay ibinabahagi sa mga mamamayan ay hindi ito
naibibigay dahil ibinubulsa lang ng mga tiwaling opisyal. Kamakailan lang ay nahuli
ng mga awtoridad si Janet Lim-Napoles na tinaguriang utak ng Pork Barrel Scam.
Alinsunod dito ang pagdakip at pagkakulong ng tatlong senador na sina Bong
Revilla, Jinggoy Estrada at Juan Ponce Enrile sa kasong pandarambong. Bakit
parang nagkaiba nag ikot ng mundo ng pulitika? Sa halip na layunin ng mga
itinakdang opisyales ng pamahalaan ang iahon ang Pilipinas tungo sa kaunlaran
ay bakit parang ang iilan sa kanila’y iniuudyok tayo sa kahirapan?
Bilang isang mamamayang Pilipino ay
napagtanto ko sa aking sarili na hindi lang sila ang dahilan n gating
kahirapan. Tayo mismo ay mayroong ginagampanang isang malaking responsibilidad
upang masugpo ang problemang ito. Kailangan nating isaisip na nasa atin ang
kapangyarihan. Tayo ang pamahalaan kaya nararapat lang na siyasatin nating
mabuti ang karapat-dapat na iluklok sa puwesto. Dahil ito ay isang problemang
nakakaalerto nararapat lang na mgakaroon tayo ng solusyong epektibo. Ito ay
nangangailangan ng sanib-puwersa ng mga mamamayan at ng mga opisyal. Simulan na
natin ngayon at makakamit din natin ang pag-unlad at pagbabagong ating
inaasam-asam. Tayo ang simula ng pagbabago!
No comments:
Post a Comment